"Aalis kami mamayang 2 am.." todo ngiting ani ko kay Jasper na ngayon ay nakaupo sa sofa namin.
"Oh? Ang aga naman ata?"
"Of course sa Batanes eh.." ani ko naman.
Naputol ang usapan namin nang makarinig ng tikhim. Napatingin ako sa kaniya, sa kanila pala.
"Nandito pa pala tayo guys?" Ani Farrah na nakatingin sa akin.
"Ah hihe.." awkward akong natawa.
"Nandyan pa pala kayo.."
Napatingin ako sa kuya Zeus, Angelo, Ali at Farrah.
Inirapan lang ako ni Farrah at tinaasan ng kilay ni kuya Zeus.
"Happy Birthday Zeus.."
Bati ni Jas kay kuya at nag-abot ng kamay. Hindi iyon tinanggap ni kuya.
"Kuya.."
Hindi nagsalita si kuya at tumayo.
"Magpapahangin lang ako sa labas.."
Napatingin naman ako kay Angelo na kumapit sa binti ni kuya Zeus.
"Sama.."
Matapos nun ay lumabas na silang mag-ama. Bigla namang tumayo si Farrah.
"Oh saan punta mo?" Tanong ng asawa niya.
"Tatae ako, sasama ka?"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Oo, sasama ako. Bakit? Baka mapano kayo ni baby.."
Sa sinabing iyon ni Ali ay napahaplos ako bigla sa tiyan ko. Wala na ba talagang pag-asa? Hayst. Napatawa na lang ako ng mahina.
"Oh bakit mo hawak tiyan mo?" Tanong sa akin ni Jas. Napatingin naman ako sa mapanuring mata niya na nakatitig sa hinahawakan kong tiyan.
"Ha? Wala, sumakit kasi bigla. Ano, bakit ka nga pala naparito?" Tanong ko sa kanya na ikinalambot naman ng ekspresiyon ng mukha niya.
"Wala, kukumustahin ka lang, hihe. Bawal ba?"
"Hindi naman.."
"Tapos mo na ba ayusin yong mga gamit mo? Ikaw, okay na ba ang sarili mo para sa pagbabiyahe niyo mamayang madaling araw?"
Dami niyang tanong pero, sinagot ko pa rin ang mga iyon. Ewan ko parang bigla akong nawalan ng gana makipag-usap. Gulo ko di ba? Bakit ba.
"Okay lang naman. Ah oo kanina ko pa naayos yong mga gamit ko, susunduin na lang ako ni Kyle mamaya.."
Ramdam kong tumayo na rin si Ali at sumunod sa asawa. So, talagang iniwan nila kami dito? Ang sama naman nila. Or should I say, ako ang masama? Di ko kasi sila napansin, para akong na-obsess bigla dito kay Jas at hindi na naisip yong mga nakapalibot sa amin. Hayst, ano ba tong pinasok ko?
Isa pa itong nangyari sa amin ni Jeron, wala talaga akong nakikitang signs na buntis ako. Eh, dalawang linggo na ang nakalilipas. Sa katapusan pa ang monthly period ko eh anong week pa lang ngayon.
Tumayo ako.
"Saan ka pupunta?"
Tanong sa akin ni Jas. Nginitian ko siya saka nagsalita.
"Wala, hihe. Tatayo lang, nangawit ata pang-upo ko kakaupo eh.."
He chuckled. Ang cute lang.
Napaangat ako ng tingin sa labas nang marinig ko ang boses ni Angelo.
"No, tito. She said, I'm cute. Hahahahaha!"
Sino naman kaya kausap ni Angelo?
"Si Ali ba kausap niya?" Naguguluhang tanong sa akin ni Jas. Hindi kasi tito ang tawag ni Angelo kay Ali.
![](https://img.wattpad.com/cover/168435376-288-k954602.jpg)
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomanceMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?