"Nay Andeng!" Sigaw ko sa para marinig nila ako.
Nasa kusina kasi sila at naghahanda para sa gaganaping noche buena. Hindi ganon kahanda ang mga tao dito hindi kagaya ng mga tao sa Pilipinas. Pero ramdam ko talaga ang pasko dahil sa panahon. Talagang napakalamig!
"Nurse Meigh, nasan si nay Andeng?" Tanong ko nang makasalubong ko siya sa hagdan.
"Nasa kusina ate, pineprepare yong mga handa sa lamesa. Bakit po? Dahan-dahan ma'am, si baby.." aniya saka ako inalalayan pababa.
Napangiti na lang ako. Sila yong mga nahire dito para makasama ko. Si nay Andeng saka si nurse Meigh. Magdadalawang buwan na rin sila dito at talagang ako ay natutuwa sa kanila. Talagang todo alaga sila sa akin, sa amin ni baby.
"Nay Andeng!" Ani ko saka siya inakap patalikod. Aaaaa! I miss mom so much!
"Naku naman hija. Alis ka muna jan at ako'y naghahanda. Tignan mo oh.." sabi niya saka ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik.
"Can I help? Please.."
Nagpuppy eyes ako sa kanilang dalawa saka unti-unting nagbuhat ng mangkok na may lamang ulam.
"Oh sige. Mag-ingat ka lang. Baka mapano si baby, ilang buwan na lang at lalabas na siya. Nakakaexcite anak!"
"Talaga naman nay! Kinakabahan ako kung paano ko sasabihin kila mom na buntis ako nanay. Nurse Meigh, matatanggap kaya nila kami?" Nalulungkot na saad ko sa kanila sa nangalumbaba.
"Hindi iyan ate. Nakwento mo nga sa amin na nalungkot din sila nung malaman nilang nawala yong baby mo eh. Syempre, magiging masaya sila.." nakangiting sagot naman ni Meigh.
"Talaga? Sa tingin niyo? Nay?"
Ngumiti sa akin si nay Andeng saka hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay magpipitong buwan na. Oh kay bilis ng panahon pero di ko pa nasasabi kila mom. Natatakot ako.
"Oo naman. Sinong hindi matutuwa eh madadagdagan na naman ang pamilya niyo? Namimiss ko na yong mga apo ko sa Pilipinas pero dapat maging matatag lang kasi para rin sa kanila eto eh.."
Todo ngiti naman ako sa harapan nila saka hinaplos ang tiyan ko. Yes baby, we can do it. Tanggap nila tayo okay? Kapit ka lang dyan, saka ka na lumabas kapag kaarawan mo na ha? I love you baby..
"Salamat po sa lahat nay, Meigh.."
"Ay naku ate. Walang anuman, tara na? Anong oras na mamaya nandyan na ang ating mga bisita.." natatawa niyang ani saka nagsimula na ring tumulong.
Nagkakatuwaan pa kami sa pag-aayos dahil nagkukwento si nanay ng tungkol sa buhay probinsya. Masaya rin pala doon.
Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng tunog ng sasakyan. Nandyan na sila.
Hinawakan ko ang tiyan ko at hinawakan rin ni nay ang kamay ko.
"You can do it, okay? Trust me anak.."
Ngumiti na lang ako sa kanya saka tumango. Hindi nila ako pinalabas at pinaupo na lang ako sa sofa sa sala. Talagang kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila, lalo na si mom.
Narinig ko pang nagbabatian sila at tumatawa.
Yumuko na lang ako at pinakiramdaman kung nakapasok na sila.
"Baby?"
Rinig kong ani mom. Nanatili akong nakayuko dahil wala talaga akong maihaharap na mukha sa kanila.
"Baby, I know.."
Nang dahil sa sinabi ni mom ay napaangat ako ng tingin. She know?
"We know.." aniya nang nakangiti sa akin. Agad nangilid ang mga luha ko saka napahikbi. Alam nila! Hindi sila galit sa akin?
![](https://img.wattpad.com/cover/168435376-288-k954602.jpg)
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomanceMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?