Nagising ako dahil sa bigat na nakadantay sa mga hita ko at dahil sa mainit na pakiramdam.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napapikit ulit dahil sa liwanag.
Dahan-dahan ko uling binuksan ang mata ko at napatingin sa katabi ko. Nakayakap sa akin si Jeron ng mahigpit, kaya pala mainit. Nakaipit rin ang binti ko sa binti niya kaya di ako makagalaw ng maayos at baka magising ko siya.
Itinaas ko sa ere yong kamay ko saka pinadausdos sa buhok niya. Sana ganito na lang palagi. Sana ganito na lang ka-peaceful ang lahat. Napatingin ako sa makinis niyang mukha na parang hindi dinaanan ng pimples. Nakaka-inggit. Naka-leave din ako sa trabaho ko kagaya niya.
Naalala ko yong katagang binitawan niya kagabi, na bakla siya, na hindi niya ako magugustuhan. Okay lang naman yon sa akin, dahil nga sa ayaw niya sa akin. Hindi na ako mag-eexpect sa mga actions niya. Pero masakit pa rin. Hindi maiiwasan iyon.
Nagtagal muna ako ng ilang minuto sa ganoong posiyon bago piliting umalis sa yakap niya ng hindi siya magigising.
Una kong iginalaw ang mga binti ko na iniipit niya, kaso mukhang mahihirapan ako kaya inuna ko na yong mga kamay ko. Nakawala naman ako. Sunod kong itinaas unti ang paa niya para matanggal sa pagkakaipit ang mga binti ko.
Gumalaw siya at bumalik ulit sa dati niyang pwesto. Haaay. Ano bang gagawin ko rito. Hindi na ako inaantok at kailangan ko nang kumain, nakalimutan ko kasing kumain kagabi dahil sa nangyari.
"Jeron.." ani ko saka tinampal-tampal ng mahina ang pisngi niya.
"Jeron.." ulit ko.
Ginalaw ko rin ang mga paa ko para tuluyan siyang magising. Binuksan niya ang mga mata niya at diretsong nadapo ang paningin niya sa mga mata ko. Nakatitig siya sa mga mata ko kaya nakaramdam ako ng ilang.
"Jeron, bumangon na tayo. N-nagugutom na ako.." untag ko sa kanya pero nanatili pa rin siyang ganoon.
Napapikit ako ng mariin saka tuluyang kumalas sa yakap niya. Nagtagumpay naman ako at tumayo.
"Bumangon ka na riyan, maliligo lang ako.."
Yun lang at kinuha ko na ang mga gagamitin ko saka pumasok sa banyo.
Sino ba namang hindi masasaktan sa mga ginagawa niya? Sa mga actions niya? Kung dati kinikilig ako sa mga akto niyang iyon, ngayon nasasaktan na ako. Lalo na at alam kong di siya magkakagusto sa akin gaya ng pagkakagusto ko sa kanya. No, lemme erase that. Mahal, mahal ko siya pero hindi niya masusuklian iyon.
Pagkalabas ko nandoon pa rin siya sa kama at nakaharap sa bandang kanan, nakaharap sa banyo kung nasaan ako.
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad para kunin yong suklay sa bag ko.
"Girl..."
Napapikit ako sa lenggwahe niya.
"Hmm?"
"Sorry.."
"O-okay lang. Una na ako sa baba.." yun lang at iniwan ko na siya doon at lumabas na.
Okay lang talaga yon, haha.
Pagkalabas ko agad bumungad sa akin ang mukha ni Kyle.
"Kyle?"
Nagulat ako dahil nandito siya ngayon, sa harapan ko.
"Hi Azzir!" Aniya saka ako niyakap. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil nandito siya. Nandito siya!
Agad kong niyakap din siya at ngumiti, salamat may pagbubuhusan ako ng sama ng loob.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomansaMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?
![Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/168435376-64-k954602.jpg)