Kabanata 9

4.1K 92 0
                                    

"Daddyyyyyyyyy!!!"

Nabitawan ko ang kamay ni Angelo dahil tumakbo na siya at sinalubong ang kanyang ama na papalapit sa amin. Sinuri ko naman siya ng tingin, nag-aabang kung may kasunod ba siya. Pero, wala.

"Baby! Muah muah.." nagyakapan sila saka naman hinalik-halikan ni kuya sa pisngi si Angelo. Tuwang-tuwa naman ang bata.

Napairap na lang ako sa kawalan habang pinagmamasdan sila. Tsk, parang walang tinatago ang ulupong.

Pagkauwi namin sa bahay ay agad nag-bonding ang mag-ama. Syempre hindi mawawala ang pasalubong, kaya naman walang mapaglagyan ang tuwa ni Angelo habang tinatanggap ang mga pasalubong na iyon.

"Of course, hindi mawawalan ng pasalubong ang favorite cousin ko.." pambobola sa akin ni kuya saka tumayo at lumapit sa akin. Inirapan ko ulit siya.

"Favorite your face.."

"Baby, what did you do to your tita mommy? Parang nagtatampo ata.."

"Akin na nga yan!" Sabi ko sabay hablot yong nakapaper bag na pasalubong kuno niya sa akin.

Narinig ko naman ang hagikgikan ng mag-ama. Tss. Mag-ama nga.

"Tatanggapin din naman pala, kung ano pang arte. Halika nga rito, payakaaaaaap!" Sabi niya saka inistretch ang dalawang braso niya para sana yakapin ako.

"Hmp!!"

Dumaing siya dahil sinuntok ko siya sa tiyan saka siya binigyan ng yakap.

"May pag-uusapan pa tayo, get ready.." bulong ko. Nanigas naman siya pero agad ding nawala. Nagulat ata siya na parang may alam ako. Humanda kang bata ka.

"Baby Angelo, di ka pa pagod? Look, ang tagal ng biyahe natin?" Tanong ko kay baby. Nag-smile naman siya sa akin.

"Nope tita mommy.." sabi niya saka dumapa sa sofa at binuksan ang mga pasalubong niya.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya sa akin. Pumunta ako sa kusina, sumunod naman siya.

"Aminin mo nga sa akin, may babae ka ano?"

"Woah! Sandale, galit ka ba? Di ba dati gusto mong magka-nanay na si Angelo? Bakit ka galit ha baby?"

"Baby mo muka mo, di mo ako madadaan sa mga ganyan mo kuya. Linawin mo. Sino yong sumagot sa tawag ko dati, ha? Ipakilala mo sa akin, sa amin. Para makilatis ko, aba! Baka saktan lang niyan si Angelo! Ayoko!"

"Uy, kalma. Ipapakilala ko siya sa inyo kapag okay na ang lahat, okay? Hintayin niyo..."

Napabusangot naman ako sa harapan niya saka siya kinilatis. Mukhang seryoso naman siya sa sinabi niya.

"Siguraduhin mo lang kuya, sinasabi ko sayo naku!"

"Oo na, oo na. Ikaw ang unang makakakilala sa kanya. For sure, magugustuhan mo siya, promise.."

"Promises are meant to be broken.."

"Hugot?"

"Lul!"

Binatukan ko siya sa mga pinagsasasabi niya. Nakakainis ee. Iniwan ko siya doon at lumapit kay Angelo na busy pa rin sa paglalaro. Di ko akalaing lumaki siyang mabait na bata, di yan nagmana sa tatay niya ee. Puro kasi kalokohan tatay niya, baka mahawaan.

Inaya naman na ni kuya sa taas si Angelo para doon na nila ituloy ang bonding nila.

Btw, bukas na yong reunion namin. Tatlong araw daw. Meron kasing resort yong kamag-anak namin kaya napag-desisyunan namin na doon na lang kami magcecelebrate.

Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon