Jeron's POV
"Good morning.." bati sa akin ni Azzir na pipikit-pikit pa dahil kagigising. Binigyan ko naman siya ng mabilisang halik sa labi bago binati pabalik.
"Good morning, too. Bumangon ka na dyan, maghahanda pa tayo sa 3rd birthday ng bunso natin.." ani ko saka siya inalalayan sa pagsandal sa headboard ng kama.
Anong oras na kasi siyang natulog kagabi dahil sa paper works. Tutulungan ko pa sana siya pero ako pa ang pinagalitan at matulog na daw. Baliw din eh.
"Oo na, babangon na. Asan ba 'yong dalawa?" Tanong niya at tinanong kung nasaan si Kiyo at Ryo.
"Nandun sa baba, naglalaro. Paliliguan ko na sana kaso ayaw eh. Gusto ata ikaw magpaligo kaya bumangon ka na dyan, nakahanda na rin ang kakainin mo.."
Humikab pa siya saglit at tumayo na saka dumiretso sa banyo.
"Sunod ka na lang at tutulungan ko sila mommy sa pag-aasikaso sa baba.." paalam ko.
Bumaba na ako at dumiretso sa kusina ng makita ko ang apat na taon kong anak na nilalamutak 'yong pancake sa lamesa. Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Manang mana sa ina.
"Where's Ryo, baby?" Tanong ko.
Tinuro naman niya ang sala. "Doon po.." maikli niyang tugon dahil medyo nahihirapan pa magsalita gaya ng kapatid.
"Oh sige. Dito ka lang okay? Huwag makulit, pagalitan ka ni lola.."
Agad akong dumiretso sa sala at nakita si Ryo na nakacross arms at nakasimangot pa.
Lumapit ako sa kanya saka kinandong at umupo sa sofa.
"Oh bakit parang galit ang bunso namin?" Tanong ko at inayos ang buhok niyang tumatabing sa noo niya. Pinagpapawisan na rin, mukhang napagod kakalaro kanina.
"Daddy.." aniya saka ngumawa. Nataranta naman ako at pinatahan siya.
"Why baby? Anong nangyari? May masakit ba? Saan?" Natatarantang tanong ko.
Tinuro naman niya ang binti niya saka sumubsob sa may kili-kili ko at umiyak.
Tinignan ko ang itinituro niyang binti ay nakakita ako ng maliit na pula doon. Kinagat ata ng langgam. Kinamot ko iyon ng marahan para hindi masaktan.
"Ikaw naman baby, saan ka ba kasi nagpunta? Masakit pa ba?" Tanong ko at kinamot pa rin iyong kagat.
Medyo tahimik na siyang umiiyak at sisinghot-singhot pa sa mga braso ko.
"Hindi na p-po.."
Tumahan na siya at saka ako hinarap.
"Stop crying na okay? It's your 3rd birthday kaya. So stop na. Makita ka ni mommy, mag-aalala na naman iyon.." ani ko at ngumiti. Nginitian naman niya ako sa tumango.
Hinawakan ko naman ang ulo niya at saka hinalikan siya sa noo.
Iyaking bata.
Nandun lang kaming dalawa nakaupo sa sala nang dumating ang kapatid niya.
Nagtataka naman siyang tumingin sa kapatid na ngayon ay pulang-pula ang mata pati ilong dahil sa pag-iyak.
"Umiyak po siya?" Ani Kiyo at itinuro si Ryo na nakaupo pa rin sa mga binti ko at nakayakap sa mga braso ko.
"Yeah, nakagat ng langgam.."
Natawa naman ako ng bigla niyang tinawanan ang kapatid niya saka tinuro-turo pa.
"HAHAHAHAHAHA!" Tawa ni Kiyo na ikinasimangot naman ni Ryo.
Tinignan ako ni Ryo na tila papaiyak na naman ng pigilan ko si Kiyo.
"Kiyo, stop na. Iiyak na naman si Ryo oh.."
Tumigil naman si Kiyo pero halatang nagpipigil lang siya at may patakip-takip pa sa bunganga.
"Opo.." aniya saka tumalikod na. Nang makapunta siya sa kusina ay doon niya pinakawalan ang mga mumunting tawa niya pero nagulat ako ng makarinig ng kalabog sa pwesto niya.
Nataranta akong tumungo doon habang buhat si Ryo.
Nakita ko si Kiyo na nakadap sa kusina at tila napatid sa paa ng upuan.
Hindi naman siya umiyak pero nang makita niya kaming nakatingin sa kanya ay saka siya ngumawa. Napahiya ata.
"Daddy! Huhuhu.."
Agad ko siyang pinatayo doon at ibinaba si Ryo. Pinagpagan ko ang tuhod niya pati ang pisngi niya.
"Hush, di naman masakit di ba? Tama na. Huwag na umiyak, nandito na si daddy.." tahan ko sa kanya.
Napasapo na lang ako sa mukha ng magsimula na ring umiyak si Ryo. Jusko! Bakit niyo ako binigyan ng mga anak na iyakin?
Bigla namang dumating si mommy, mommy ni Azzir. Dumating din si Azzir saka inalo si Ryo.
"Huhuhu, mommy..." palahaw ng isa.
"Daddy masakit po, uwaaaa!" Pagngangawa naman ng isa.
"Ano bang nangyari?" Naguguluhang tanong ni mommy.
"Nadapa po si Kiyo.."
"Oh bakit umiiyak si Ryo?"
"Kinagat po ng langgam.."
"Ay jusko naman!"
Nang tumigil sa pag-iyak si Kiyo ay tumigil na rin sa pag-iyak si Ryo. Nagkasundo pa ata kung kailang titigil sa pag-iyak.
Maya-maya pa matapos ng senaryo sa kusina ay kita na namin ang tumutubong bukol sa noo ni Kiyo. Masama ata ang pagkakabagsak. Heto namang si Azzir, muntik pa isugod sa hospital ang anak namin. Jusko, normal lang naman ang nabubukulan.
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you!" Kanta ng lahat ng magsimula na ang party.
Sa garden ginanap ang birthday ni Ryo. Marami ding bisitang dumating kagaya ng mga kasosyo ni mommy sa kompanya. Hindi din nakapunta ang totoo kong mommy kasi busy din sa trabaho pati si papa.
Naging maayos naman ang takbo ng party at nagkakasiyahan naman ang mga bata. May mga palaro din kasi.
Nang matapos iyon ay kanya-kanya na silang uwian.
Pero nagulantang kami ng nakita namin si Kiyo na tumatakbo at umiiyak na naman. Kumapit siya sa binti ko saka itinuro 'yong batang babae sa di kalayuan. Kulot ang buhok na maikli at morena.
Tinatawanan niya si Kiyong nakakapit sa binti ko at ngumangawa.
Binuhat ko siya.
"Umiiyak ka na naman. Bakit? Anong ginawa sayo ni baby girl?"
"Inaasar niya ako, huhu..." pagsusumbong niya.
"Inasar saan?"
"Sa noo ko po daddy. Huhu!"
Natawa naman ako ng mahina dahil don. Iyon lang naman pala.
"Wala na. Okay na. Umuwi na sila. Stop na.." pagtatahan naman ni Azzir na nakalapit na din pala sa pwesto namin.
Lumapit din si Ryo na hawak ni mommy.
"Sino po ba yon?" Tanong ko at hinaplos ang pisngi ng anak ko at pinunasan ang maliliit na luha sa pisngi.
"Yong bata? Anak iyon ni Mr. Trinidad, kasama ko sa kompanya. Si Sofie.."
"Aaa.."
"I like her.." ani bigla ni Ryo na ikinatawa ng lola niya.
"Hays, alam mo na iyan ha? Big boy ka muna, okay?" Ani lola niya saka kinurot sa pisngi.
"I hate her daddy. I hate her.." ani Kiyo na saka sumimangot at sisinghot pa ng sipon.
Hinalikan ko naman siya sa noo at pinatahan na.
A/N: So, I guess this is a goodbye? Babye na sa inyo! Sa mga sumuporta kay Jeron at Azzir. Muapsssss.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomanceMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?
![Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/168435376-64-k954602.jpg)