"You're so beautiful, baby.."
"Baby your face.." binatukan ko si Jasper sa pambobola niya sa akin saka napatawa na rin.
He bought me a dress, baliw talaga siya. Baliw na baliw sa akin HAHAHAHA.
"De seryoso, ang ganda mo sa binili kong dress. Kung maibabalik ko lang talaga ang dati.."
Namula ako sa sinabi niya pero di ko na naintindihan ang mga huli niyang sinabi sa akin. Maganda daw ko, tama siya.
"Oh ano pang itinutunganga mo dyan? Tara na, alas siyete na.." untag ko sa kanya saka nagpaunang lumakad na. Panigurado, madami na namang mangiinterview sa amin panigurado. Alam kasi ng ilang college classmates niya na naging kami dati. Tsismoso din kasi si Jasper.
"Sabi ko nga tara na..."
Yun lang at sumakay na kami sa sasakyan niya.
"Anong trabaho mo na ngayon" tanong ko sa kanya habang bumabyahe.
"Sa business ako ngayon nakatuon, alam mo naman ang family ko, they're unto business.." sabi niya at umirap pa. Ayaw na ayaw niya kasi ang business, nabanggit niya sa akin iyan noon. Idk, may alam pa pala ako tungkol sa kanya.
"Sus, di sabihin mo sa kanila na ayaw mo sa business.."
Pinaningkitan naman niya ako ng mata saka nagsalita.
"Naaalala mo pa pala?" Aniya saka ngumiti.
"Alala yong?"
"Na ayoko sa business. Ikaw ha, yong totoo nakamove on ka na ba sa akin?" Tanong niya at tumawa ng nakakainsulto.
"Excuse me Mr? Syempre naman, nakamove on na ako. Di naman por que nakamove on na ako eh makakalimutan ko na lahat ng mga ayaw mo?"
"Okay fine, I'm just kidding.."
"Uhm.."
Tinanguan ko na lang siya at tumingin sa labas. Ang peaceful ngayon ng gabi. Tinext ko na rin kay Kyle na sasama ako ngayon kay Jasper kasi date niya ako. Sinermonan naman niya ako, wala daw siyang tiwala kay Jasper. Pero wala na siyang magagawa, naka-oo na ako eh.
"We're here.."
Napatingin ako sa labas.
"Bar? Seryoso kayo?" Tanong ko na di makapaniwala.
"Bakit? Haha.."
"Bawal ba sa iyo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi, baka kasi malasing ka. Walang mag-uuwi sa akin. Ikaw ha Jasper. Iuwi mo ko ng maayos!" Pambabanta ko sa kanya.
"Kailan ba kita pinabayaan?"
Napatigil ako sa tanong niya. Ewan, pero para sa akin dalawa ang kahulugan noon.
"Ah wala sabi ko tara na nga.."
Ngumiti lang siya sa akin at inaya na akong pumasok. Hindi naman siya ganoon kagulo sa loob pero medyo madami rin ang tao. Pumunta kami sa pangalawang palapag nun, at doon ko namukhaan ang iba sa mga kaklase niya.
Bigla naman akong tinamaan ng hiya. Gosh, matagal na rin pala. Sana di nila ako makilala. Nakita ko pa 'yong mga tropa dati ni Jasper.
"Oh andito na pala si loverboy natin.." ani isa saka sila nagtawanan. Sinapak naman siya ni Jasper sa braso.
"Gago.."
"Oh sino iyang kasama mo? Pakilala mo naman kami.."
"Oo nga ang ganda pre!"
"Sexy pa witwew!"
Ani nila saka nagtawanan. Gosh.
"Mga gago talaga. Di niyo ba siya namumukhaan? Si Azzir.." ani Jasper saka ako nginitian.
![](https://img.wattpad.com/cover/168435376-288-k954602.jpg)
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomansaMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?