Jusq, ang hirap palang mag-alaga ng baby. Sobra akong pinapahirapan ni baby Kiyo. Gigisingin niya ako ng madaling araw dahil sa pag-iyak niya. Gigisingin niya ako dahil gusto niyang dumede. Minsan nga natutulugan ko pero nagpapasalamat talaga ako at nandyan si nay Andeng.
Wala na dito si Meigh kasi hanggang sa manganak lang ako ang kontrata niya. May trabaho din ang mga pamilya ko kaya busy sila. Sinabi ko na rin kay mom na kaya na namin ni nay Andeng. May tiwala naman siya samin, kaya napilit ko siyang bumalik sa Pilipinas.
Minsan na lang din kami mag-usap ni Farrah dahil din sa panganay nilang babae. Nagkaroon na rin ako ng invitation para sa bunyag ni baby Amber. Pero di ko pa alam kung makakapunta ako.
"Nay, pakikuha nga iyong gatas sa mesa sa kusina.." Utos ko kay nay. Agad naman siyang pumunta doon.
"Achuchuchu. Ang baby ko! Ang bango-bango, hmmmm!"
Tinaas-taas naman niya ang mga kamay niyang maliliit saka lumiyad-liyad. Ngingiti-ngiti pa.
Tatlong buwan na si baby, ang bilis ng panahon.
Nakuha niya talaga halos lahat sa akin kaya nagmumukha siyang babae. Tanging ilong lang ang nakuha kay Jeron. Pero, I'm so happy kasi napakacute na bata, panganay ko pa.
Kinuha ko kay manang yong gatas niya saka iyon pinadede kay Kiyo. Minsan kasi ang problema kay baby ayaw niya ng bottled milk, gusto niya breast milk.
"Ano na baby? Kanina ka pa dumedede, ubos mo na naman kanina yong milk mo sa bote.." kausap ko kay baby pero patuloy pa din siyang umiinom.
"Anak.." tawag sa akin ni nanay.
"Po?" Ani ko saka tumingin sa kanya.
"Babalik ka na ba sa Pilipinas, para sa binyag ng anak ni ma'am Farrah?"
Napabuntong hininga na lang ako sa tanong niya. Magi-isang taon na ako dito kaya okay lang naman na siguro kung bumalik na ako sa Pilipinas.
"Yes po. Makakarating ako doon bago yong binyag. Saka miss na din nila si Kiyo eh kaya pagbibigyan ko na.."
"Buti naman anak. Pero paano kung makita mo ang ama ng anak mo?"
Bigla kong naalala si Jeron. Okay na siguro. Di na masyadong masakit. Natuon kasi ang atensyon ko kay baby kaya ayon.
"Nah, okay na ako manang. Hindi ko po alam kung tatanggapin ko pa siya. Pero syempre di ko naman ipagkakait si baby, kung sakali.." ani ko saka ngumiti sa kanya. Sinuklian naman niya iyon.
"Mommy na talaga itong anak ko.." natutuwang ani nanay saka ako hinaplos sa ulo.
"Syempre naman po. May Kiyo na nga akong napakakulit eh.." ani ko saka tumawa ng mahina at napatingin kay baby.
"Rinig mo yon baby? Makulit ka daw sabi mama mo.." kausap ni nanay kay baby.
"Ay naku napakakulit nga eh.." ani ko ng nakangiti.
Hinalikan ko si baby sa pisngi saka patuloy na hinawakan yong bote.
"O'sya sige. Maiwan ko muna kayo dyan at tatawag ako sa Pilipinas.."
"Sige po.."
Yun lang at tumalikod na sa akin si nanay. Minsan kinakausap ko din ang pamilya nila sa screen pero ngayon focus muna ako kay baby kaya hindi ko na rin naaasikasong tawagan sila mom.
Next month ang binyag ni baby Amber. Siguro uuwi kami don next week.
____
"Welcome home, baby.." ani mom saka ako hinagkan sa pisngi. Humarap naman siya kay nanay Andeng.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
Storie d'amoreMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?
![Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/168435376-64-k954602.jpg)