Kabanata 15

3.6K 81 5
                                    

[Hi Azzir!]

Napangiti ako sa screen saka kumaway.

"Hello Farrah! Ano na? Musta na si baby?" Ani ko sa masiglang boses.

Since nangibang bansa ako at pumunta dito kila Khean, dineactivate ko na lahat ng accounts ko. At syempre gumawa ako ng bago pero hindi ang pangalan ko ang nakalagay. But, alam naman nila except sa mga taong nagdulot sa akin ng sakit.

[He's a baby boy Azzir! I wish, makauwi ka dito sa Pilipinas kapag nanganak na ako. It's been 3 months since you left us. Huhu, you're so bad..] aniya saka umiyak kunwari sa harap ng screen.

"Nah, you're too oa. Tumatawag naman ako sa inyo.."

[Kahit na. Ang layo mo pa rin. Di kita mayayakap..] aniya kaya napangiti ako.

Kung alam mo lang Farrah kung bakit nananatili pa rin ako dito.

"Nah, I cant promise you na makakauwi ako dyan pagkapanganak mo. You know, masyado pang masakit.."

Ngumiti naman siya akin pero alam kong pilit lang iyon.

[I'm sorry to tell you this but h-hindi pa siya nagpaparamdam sa amin Azzir. I dont know kung may paki ba talaga siya sayo. Ang sarap sabunutan ng baklang iyon. Kahit pinsan ko pa siya, ipapapatay ko talaga siya hanggat maari! Naiinis ako sa kanya, no. Nagagalit ako sa kanya!]

"Kalma baka mapaanak ka ng wala sa oras. Kabuwanan mo pa naman.."

Napatawa naman siya sa kabilang screen.

[Gaga, hindi yan! At saka whenever na manganak naman ako. Nandito naman si Ali honey..]

Napanguti naman ako sa sinabi niya. She's so sweet ever since.

"Patayin ko na ha? Matutulog na ako.." ani ko.

Umaga kasi sa kanila at dito sa amin, gabi na.

[Sige, good night Azzir baby..]

Nahiga na ako sa kama saka nagmuni-muni. Hindi ko alam kung bakit nakayanan kong tumira dito sa Canada, dito kila Khean. Actually, di naman sila dito nakatira. Nagbakasyon lang sila dito. Pero ang sabi nila sa akin kapag umalis daw sila, dito muna ako. Maghahire na lang daw sila ng guard para naman may kasama ako dito.

Nag-aalala din sila sa kondisyon ko at promise ko sa kanila na mag-iingat ako dito.

It's been 3 months na pala. Tatlong buwan simula nang umalis ako, di ko na rin nakausap si Jasper kasi kinabukasan nun lumipad na ako patungo rito kasabay ng pagdeact ko sa mga accounts ko in social media.

Wala na rin akong balita sa kanya. At ayokong makarinig ng kung ano pa man tungkol sa kanya.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa tuloy-tuloy na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ughmm.." napaungol na lang ako sa inis. Umagang-umaga!

"Sino yan?" Tanong ko at saka nakapikit na bumangon sa kama at lumapit sa pinto.

"Umag-- Kuya Zeus!" I exclaimed nang bumulaga sa akin si Kuya Zeus.

Anong ginagawa niya dito?

Agad ko siyang niyakap saka tinignan kung may kasama pa siya. Baka kasi kasama niya si Angelo. Pero wala, siya lang.

"Nice to see you again Azzir.." ani niya saka blanko akong tinignan.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumikhim.

"Anong ginagawa mo dito kuya?" Tanong ko sa kanya saka siya pinapasok.

Nginisihan niya lang ako hind natinag sa kinatatayuan niya.

Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon