Kathryn's POV:
Nagising ako ng nakahiga at tumitig nalang sa kisame. Puti ito at may mga marka na nagpapahalatang luma na ang bahay na to. Ito nga ba ang bahay ko? Wala akong maalala.
"Albie! Albie! Gising na si Kathryn!" sabi nung babaeng maputi at matangkad sabay alog sa lalaking maputi na mukhang natutulog.
Lumapit naman yung lalaki sa may kama ko,
"Babe, ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong niya saakin. Babe?
Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung may masakit ba sakin. Meron nga ba? Sinubukan kong ibuka ang bibig ko, pero walang lumalabas na tunog mula sa mga labi ko. Ugh. Ano ko ba sila? Couple yata sila eh.
Nagtitigan nalang din silang dalawa, at bumalik na yung tingin ko sa kisame. Lumingon naman ako at nakita ko ang isang lalaking di kalayuan sa kama ko. Dalawa pala kami dito. Baka di kaya boyfriend ko siya? Napansin kong naka hospital gown siya, kaya tiningnan ko naman ang suot ko, ganun rin. Naaksidente ba kami? Bakit? Pano?
Tumingin saakin yung lalaki. Medyo mahaba yung buhok niya. Tapos parang antok siya na hindi ko mawari.
Tinry ko siyang kausapin."Pssst." yun lang nagawa ko.
Tumingin naman siya at tinitigan ako na medyo nakataas yung isa niyang kilay.
"Tayo ba?" tanong ko sakanya. Kumunot ang noo niya, tapos ngumiti naman siya. Nakakatawa. Gusto kong tumawa kaso di ko magawa. Kukunot kasi noo tapos biglang ngingiti eh. Labo.
Tumingin nalang ako ulit sa may kisame na medyong nakangiti. Nakita ko na nakatitig rin sakin yung couple. Parang nanlaki yung mga mata nila sakin.
"Zharm, tawagin mo yung doctor, please." sabi nung lalaking maputi.
"Ok." sabi naman nung babaeng maputi. Kinuha niya yung telepono at tumawag. Maya maya, dumating na yung doctor.
Nagusap sila dun sa may sulok, kaya hindi ko naman marinig. Tinitigan ko yung lalaking nakahiga rin, at tumitig rin siya sakin.
Ngumiti siya, kaya napangiti naman ako. Kumindat siya, napatawa na lang ako.
Tinitigan nanaman ako nung lalaking maputi. Siguro love triangle kaming tatlo? Hahahaha. Feeler ko naman.
Biglang lumapit yung lalaking maputi saakin, at hinawakan yung mga kamay ko.
"Kathryn Bernardo, please try to remember me. Boyfriend mo ako." sabi niya. Seryoso ba siya? Feeling ko jinojoketime lang ako neto eh.
"Um, sorry." yun na lang nasabi ko, dahil sumasakit lang ang ulo ko, at wala naman talaga akong maalala.
"Hayaan niyo muna silang magpahinga. Nashock ang mga utak nila, at naalog talaga. At, traumatic ang naging experience nila.. I'm sorry." sabi nung doctor.
"Okay po," sabi nung babaeng maputi.
"Yun na yun ha? Wala na kayong gagawin?! ANONG KLASENG OSPITAL TO HA?!"
"Sorry po, sir. Pero it takes time para gumaling sila, at wala po kaming magagawa talaga."
"GET OUT! GET OUT!!" sabi nung lalaking maputi. Ugh, sumasakit yung ulo ko. Lumabas na yung doctor.
"Sumasakit yung ulo ko.."
"Wag kang magalala, Kath. Gagawin ko lahat maalala mo lang ako." sabi niya sabay hawak sa ulo at kamay ko. Tinabihan niya ako sa kama ko.
Lumingon ako at nakita ko yung lalaking naka gown din, mukhang nakapikit. Ewan. Parang.. hindi naman yung maputi yung mahal ko ah?
"I love you, Kathryn."sabi nung lalaking maputi.
Hindi na ako sumagot, at natulog ulit.
Ano bang nangyari? Ummm, try ko ngang magflashback. Ugh, wala eh!
Tinitigan ko lang ulit yung may eyebags na nilalang, at nakita ko siyang nakatitig sakin.
Kaso, iba bigla yung nakita ko.
Parang may dugo!
"AAHH!!" sabi ko habang biglang hinimas yung ulo ko. Ang sakit!
"Okay ka lang? Shh, I'm here. Tell me if you're not feeling good." sabi nung lalaking maputi.... Naramdaman ko yung patak ng mga luha niya. Pumikit nalang ako, at natulog ulit..
Nagkaron ba ko ng Amnesia? Nabangga ba kami?!
BINABASA MO ANG
Because of an Accident.. (EDITING)
Romance"May kailangan kang malaman, Kath!" "Please stop. Kailangan ko lang siyang bigyan ng chance. He might help me bring back the memories of my past." "Gusto mo talagang malaman?! IPAPAALALA KO SAYO!" A story full of lies. Full of broken promises. Fu...