Kathryn's POV:
Ayun, binaba na nga nila yung phone. Ano kaya yun. Psh. Well, at least alam kong may nagvolunteer naman na sunduin ako dito. Kung sino man yon, aba'y, mahal na mahal ko siya't hindi niya ko pinabayaan!
Hinintay ko nalang yung magsusundo sa akin sa may garahe, para kapag nakita kong may pumarada nang kotse sa harapan, labas na agad. Diba diba? Hahahaha! Talino mo, Kath.
Maya-maya, may dumaan na na kotse sa tapat ng bahay namin. Bumusina din siya. Kaya lumabas na ako ng gate. Eto na siguro yon.
Binaba niya yung bintana niya, "Sakay na!!"
Nginitian ko naman siya. Nilock ko na yung gate at sumakay na sa kotse niya. Sa shotgun seat na ako sumakay, baka kasi sabihin niya tinatrato ko siyang driver eh.
Pagkasakay ko, tinitigan ko lang siya.
"Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan?" badtrip niyang tanong.
"Wala lang, ang bait mo kasi eh! Thank you ah!" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Tsss. Nakakabadtrip ka kasi eh!" sabi niya naman.
"Oh, bakit na naman?"
"Tss, basta!!" sabi niya at nagkasulubong na naman ang kilay niya.
"Hoy! Wag ka ngang sobrang mabadtrip! Sorry naman! Di ko naman alam talaga kung saan eh. At sorry kasi di ko tinanong bago mag-uwian. Kung gusto mo bigyan mo nalang ako ng map papunta don! Ako nalang maghahatid sa sarili ko. Oh sige, ibaba mo na ako! Basta bigyan mo ako ng map ah!"
"Sus! Wala akong dalang map eh! Tsaka pwede ba, sinundo na kita eh! Ngayon pa ba ko aatras? Tss, sayang gasolina!"
"Tingnan mo nga, gusto mo din naman pala akong isakay dito sa maganda mong kotse eh."
"Umasa ka na naman." at pagkatapos nun, di na ko sumagot. Mukha kasing badtrip talaga sakin eh. Tch.
Ay, yung sinabi ko kanina na mahal ko yung taong susundo sakin? Kalimutan niyo na! Ang ibig ko sabihin don ay "Pangit yung susundo sakin!" Pwe!
Pagkadating namin sa restaurant nila, sabay kaming bumaba ng kotse. Syempre, wala nang bukas bukas ng pinto. Eh sa hindi uso yun kay Daniel Padilla eh.
Pumasok na kami ng restaurant at, wow! Ang ganda! Parang modern yung type ng restaurant. Ang ganda tapos classy padin kahit modern yung design.
Nakita ko na sa isang table sila Bianca at umupo naman ako agad sa tabi ni Bianca.
"Hay salamat! Nakarating ka din! Akala namin ni Sofia makakalimutan mo din kung pano lumabas ng gate niyo eh!" bungad sakin ni Bianca.
"Ay, hi din, Bianca! Oo nga eh, ang ganda nga dito oh! Very peaceful!" sarcastic ko namang sagot. Pano kasi, ang ingay ingay.
"HE!! Bahala ka nga!"
"Mga babae talaga. Away ng away." Singit ni Lester. Wow ah, hiya naman kami sa inyo.
"Di naman nag-aaway yang dalawang yan eh!! Normal lang saming tatlo yan! Diba, girls?!" sabi ni Sofia.
Tiningnan ko si Bianca, at sabay naming sinabing, "TAMA!" at nag high five pa kami.
Dumating na din sa table si DJ, galing kasi siya dun sa parang counter. Tapos umupo na siya sa tabi ko. Tamad kasi yatang umikot eh. Kaya parang ganito yung seating arrangement:
Sofia - Bianca - Kathryn - DJ
Empty - Seth - Katsumi - Lester"Oh, pre, nag-order ka na ba?" tanong ni Kats kay DJ.
BINABASA MO ANG
Because of an Accident.. (EDITING)
Romance"May kailangan kang malaman, Kath!" "Please stop. Kailangan ko lang siyang bigyan ng chance. He might help me bring back the memories of my past." "Gusto mo talagang malaman?! IPAPAALALA KO SAYO!" A story full of lies. Full of broken promises. Fu...