Chapter 2

3.3K 28 0
                                    

Kathryn's POV:

Five months. Five months na ang nakakalipas since naaksidente ako kasama si DJ sa kotse niya. Hindi ko pa din alam yung buong storya. Hindi ko pa din alam yung past ko. Tinry kong hanapin, pero hindi ko gaanong nakuha lahat ng sagot.

Si Julia, siya yung best friend ko ngayon. Tinulungan niya akong makahanap ng mga sagot tungkol sa past ko. Sinabi niya din yung mga details tungkol sa pamilya ko. Luckily, naalala ko naman yung pamilya ko. Syempre, kasi siguro malaki impact nila sa alaala ko.

Two months nagstay si Mama at Papa sa bahay namin dito sa Manila para lang mabantayan ako. Pero nung third month na, kinailangan munang bumalik ni Mama sa US para bisitahin si Lola at ayusin yung iba niya pang trabaho dun. Si Papa naman, pumunta muna sa Visayas kasi may parang business trip daw siya don.

Sabi naman nung doctor, tungkol dun sa kondisyon ko, mas malala daw naging epekto nung accident sakin. Sabi, parang medyo stressed din daw kasi ako nung nangyari yon. Tsaka mas malakas daw yung naging impact sa ulo ko.

Si DJ naman, okay lang siya. Mukha ngang wala na siyang pakeelam kung malaman niya pa kung ano siya dati eh. Parang kontento na siya ngayon. Nag-stop din pala siya muna sa pagddrive for four months, kasi medyo na-trauma daw siya. Pero ngayong July, nagstart na siyang magdrive ulit.

Ngayon din nga pala, sila Bianca, Sofia, Seth, Lester, at Katsumi ang mga kaibigan ko. Si DJ din! Sila yung mga pinaka-kaclose ko sa section namin. Ay, actually, sila Bianca at Sofia lang talaga pinaka-kaclose ko. Sila Lester, Kats, at Seth, kaibigan lang kasi sila ni DJ. Eh lagi namang kasama ni DJ. So, ayun. Sa mga first year college naman, kaclose ko dun si Sam. Kapitbahay ko siya and naging close lang kami simula nung naaksidente ako. Lagi kasi siyang pinapapunta dun sa bahay namin para magbigay ng mga prutas. Inuutusan daw siya nung nanay niya. Close daw kasi si manang at yung mom niya.

"Huy, Kathryn. Nakikinig ka ba?" tanong sakin ni Lester. Nasa canteen kami ngayon at pinaguusapan namin yung parang dinner para mamaya. Naisipan nila ehh.

"Ahhhh. Ano ulit yon? Hehe!" Sagot ko nalang sabay smile na litaw ngipin.

"Ang sabi po namin eh, mamaya po. Sa restaurant po nila DJ po!" Sagot naman ni Bianca. At emphasized naman ang mga 'po' niya. Hahaha. Patawa talaga tong si Kiray.

"Ah, okay. Sige. Papaalam lang muna ako kay manang. Hanggang anong oras ba tayo?" tanong ko.

"Ewan! Basta kakain tayo!" Sagot ni Lester. Ay malamang. Dinner nga eh.

"Heh, okay. Sofia, sasama ka?"

"Oo naman. Basta kasama ka din ah!"

"Hay nako. Sige, sige. Mukhang masusulit yung mga pagkain sa resto ngayon kasi sinama niyo si Kathryn. Alam niyo namang matakaw yan." biglang singit ni DJ.

"HOY AH! Di naman ako ganon katakaw! Tsaka, ayaw mo ba akong sumama! Sus! Maya-maya kunwari ka lang na ayaw mo eh!"

"Tss. Asa ka naman no!"

"Oh, haya, sige. Mag-bangayan kayo araw-araw! Maya-maya, kayo naman magkatuluyan!" biglang sabi naman ni Seth.

"Oo nga. Diyan naguumpisa yan eh, diba, Papa Seth?" sabi naman ni Kats.

"Kepapangit niyo!" biglang reklamo naman ni DJ.

Tumawa naman kami nila Katsumi, Seth, Lester, at Sofia. Si Bianca, ayun, parang may sariling mundo ba naman. Ewan ko ba dun. Ang moody talaga.

Kumain lang muna kami ng snacks at pagkatapos ay umakyat na kami para sa next class namin. Bago mag-uwian, biglang sumigaw si Kats.

"OY AH YUNG MGA KASAMA KO! 6PM MAMAYA!"

Di na kami sumagot kasi baka magmukhang nang-iinggit kami ng ibang hindi kasama.

"Kath, Bianca, tara?" aya samin ni Sofia.

Nagtinginan kami ni Bianca, at nag-ngitian kami. "Tara!" sabay naming sagot.

Lumabas na kami ng room at sabay sabay na kaming umuwi.

----

5:25 PM

Tapos na akong maligo at magbibihis na ako. Naghanap ako sa cabinet ng simpleng t-shirt lang na black, at nagsuot na din ng skinny jeans. Inayos ko na din yung buhok ko, at tinali ito sa isang ponytail para malinis naman akong tingnan.

Inisip ko ulit yung mga details nung sa dinner namin. 6 PM sa restaurant nila DJ. Ay wait. Hindi ko pa pala alam kung ano ba resto nila DJ. Hay nako, utak, bakit di ka gumagana minsan?! Naglalag?! Psh.

Tinawagan ko agad si Bianca. Pagkasagot niya, "ASAN KA NA! IKAW NA LANG WALA DITO!" muntik na akong mabingi sa sobrang lakas ng boses niya. Parang tinapat niya talaga yung bibig niya sa phone eh.

"Sorry naman no! 5:50 palang kaya! Pati, uy, ano.. hindi ko alam kung saan ba yan!!"

"Ay nako, Kath. Minsan talaga, napakakakalimutin mo! Di mo man naisip na tanungin bago umuwi!! Minsan try mo din-" di ko na siya pinatapos mag-sermon. Ang ingay eh! Daig pa si mama!

"OO NA PO! Ano na nga kase!! Pano ba ko pupunta dyan!"

"Guys, di daw alam ni Kath kung pano pumunta dito." kalmadong sabi naman ni Bianca sa kabilang linya. Wow kapag sakanila kalmado, pero pag sakin, sobrang makasigaw!!

Pagkasabi ni Bianca nun, narinig kong nagsabi silang lahat ng "ANO!!" Psh, ano ba yan. Nakakahiya naman.

Maya-maya, parang umiingay na sa kabila. Parang pinag-aawayan pa nila kung sino magsusundo sakin dito. Hanggang sa..

"Oo na! Ako na lang magsusundo sa panget na yon!! Tss."

At binaba na nila yung phone.

Because of an Accident.. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon