CHAPTER ONE
"HAPPY birthday to me... happy birthday to me..." Kumulo ang tiyan ni Nari habang naglalakad na siya papunta sa bahay nila. "Oo na, makakakain na rin ako, kaunting kembot na lang..."
Napabuga siya ng hangin. Buhat-buhat niya nang mga sandaling iyon ang kahong naglalaman ng mga gamit niya pati na rin regalo ng mga dati niyang officemates. Birthday niya nang araw na iyon at iyon din ang huling araw niya sa trabaho. Matapos ng sampung taong pagiging executive assistant ng president for operations ng Pipol's Sardines, nagpasya siyang mag-resign na.
Pinigilan siya ni Mrs. Martinez at sinubukang baguhin ang isip niya pero desidido na siya. Napakaswerte ni Nari kay Mrs. Martinez, sa totoo lang. Napakabait nito. Ito ang naging dahilan kung bakit naging efficient at effective siyang assistant sa nagdaang mga taon. Kahit laging busy ay inuuna nito ang pamilya nito. Pero alam nila pareho na hindi siya pwedeng maging habang-buhay na assistant. Sa edad niyang iyon, aaminin ni Nari na umaasa pa rin siyang magkakaroon siya ng sarili niyang pamilya.
"Happy birthday to me... happy birthday to me..."
Napangiti siya nang makita ang maliwanag na Chuck's Pasta. Nakikita niya mula sa salaming dingding ng kainan na maraming tao. Gusto niya ng pasta. Kakain siya ng pasta dahil birthday niya. Pag-aari iyon ni Uncle Chuck—ang tiyuhin nilang dating chef sa Italy.
Dalawang palapag na apartment building ang tinitirhan nila at lahat silang nakatira ay magkakamag-anak. Ang katabing unit nila ay tinitirhan ng mga pinsan niyang itinuturing na rin niyang partners-in-crime.
Umakyat na siya ng hagdan. She had a long day. Hindi lang siya kakain ng pasta, iinom din siya ng beer at kakain ng inihaw na tuna bilang pulutan. Simula bukas, hindi na niya kailangang gumising nang maaga at uuwi nang late. Marami na siyang oras manood ng TV, matulog, kumain, matulog...
Sabi kasi ng eyebags niya, kapag patuloy pa siyang maii-stress, magtatawag na ito ng katropa para damayan siya. Ayaw naman niyang mangyari iyon.
"Happy birthday, happy birthday..."
Binuksan niya ang pinto at sinalubong siya ng kadiliman ng sala. Napalatak siya. Dapat ay nakauwi na si Yñigo galing sa pinagtuturuan nitong eskwelahan. Nag-date na naman siguro ito at ang girlfriend nitong si Laurice. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa dingding.
"Happy birthday to you!"
Sumabog ang confetti at naghunihan ang mga torotot. Napamaang si Nari.
"Happy birthday, Nari!"
Natawa siya nang hindi oras. Nakasuot pa ng party hat sina Yñigo at Laurice, maging ang mga pinsan niyang sina Yvonne at Jonie.
"Happy birthday, Tita Nari!"
Ibinaba niya sa sofa ang box at umuklo para magpantay ang height nila ng pamangkin na si Jupiter. Anak ito sa pagkadalaga ni Jonie at pitong taong gulang na. Ito ang may dala ng cake niya. Napawi ang ngiti niya nang makita ang '3' at '4' na kandila.
"Blow mo na po ang candle mo, Tita Nari!" masayang sabi ni Jupiter.
Nakapaningkit ang mga matang binalingan niya ang mga pinsan.
"Ang galing, ang husay. Pwede namang isang kandila lang, 'di ba? Three at four talaga? Gusto n'yong ipamukha ang edad ko talaga?"
"Nari, naman," ingos ni Jonie. "Hindi ka naman kasi mukhang thirty-four kaya nire-remind ka lang namin."
"Oo nga," segunda ni Yvonne. "Aminado na nga kaming sa 'ting tatlo, ikaw ang pinakamaganda. Actually, mukha kang thirty-three kaysa thirty-four." Nag-peace sign pa ito.
BINABASA MO ANG
Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]
Художественная прозаSleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) Jose Antonio and Ynari Date Started: December 16, 2018 Date Finished: January 9, 2019