CHAPTER FIVE
"UNCLE Chuck!" nakangiting bati ni Nari pagpasok nila.
Kaaabot lang ni Uncle Chuck ng isang order sa waiter.
"Nari! Ang ganda mo pa rin kahit nakalubog na ang araw."
"He-he!" Nag-high five sila ni Uncle Chuck. "Gusto n'yo bang dito na lang sa counter, Sir?" tanong niya kay Jai nang lingunin niya ito. "Wala nang bakanteng table, e."
"I don't mind," tipid na tugon ni Jai. Naupo ito sa bakanteng stool sa tabi niya. "What's up, Uncle Chuck?"
"Jai! Mabuti, mabuti," masiglang tugon ni Uncle Chuck. Kakaiba ang mga ngiti nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Jai. "Totoo ba 'tong nakikita ko? Magkasama kayo ngayon?"
Ibinuka ni Nari ang mga kamay. "Surprise, Uncle, boss ko na siya ngayon. Mahabang istorya pero pansamantala lang naman." Nang balingan niya si Jai ay nakapangalumbaba na pala ito habang titig na titig sa kanya. Mabilis siyang nagbawi ng tingin nang makaramdam ng pagkailang. "A-ang liit ng mundo, 'no? Nandito kami ngayon kasi ililibre ko siya ng lasagna. Pambawi man lang sa..." Napakamot si Nari sa ilalim ng kanyang tainga. "Sa pagbuga ko ng beer sa mukha niya."
"Talaga?" Manghang nagpalipat-lipat ang tingin ni Uncle Chuck sa kanila. "Maganda 'yan. Sana nga, maging mabuti kayong magkaibigan. Ano'ng order n'yo?"
"Isang lasagna at isang baked macaroni, Uncle." Muli niyang binalingan si Jai. Luckily, nakatingin na ito sa cellphone nito. "Ano'ng gusto mong drinks, Sir?"
"Ikaw."
Nag-init ang mukhang napamaang siya.
"H-huh?"
Salubong ang kilay na tiningnan siya ni Jai.
"Ikaw. Libre mo naman, 'di ba? Ikaw nang bahala." Then he smiled. "Ano bang iniisip mo?"
Ay, mali.
"Wala," sabi niya at nag-iwas ng tingin. "Lemon iced tea, Uncle Chuck. Salamat po!"
Pasimpleng nagbuga ng hangin si Nari. Ang rupok naman yata niya ngayon?
NAGSUSUKLAY pa lang ng basang buhok niya si Nari nang mag-ring ang cellphone niya.
Boss Jai calling...
"Hala," hindi makapaniwalang anas niya.
Ang aga naman nitong tumawag? Naninigurado ba itong hindi siya mala-late? Pambihira.
"Good morning, Sir! How may I help you?" masiglang bati niya.
"Miss Pio, papunta ka na ba sa opisina?" tanong nito.
"Hindi pa, Sir. Naghahanda pa lang ako. Pero hindi ako mala-late. Promise."
"Good. Hintayin mo na lang ako riyan. Sabay na tayong pumasok."
Hindi agad nakatugon si Nari dahil ina-absorb pa ng utak niya ang mga sinabi ni Jai.
"Miss Pio?" untag ni Jai.
"S-sigurado ho kayo, Sir?"
"Kinukwestiyon mo ba ang kakayahan kong magdesisyon, Miss Pio?"
"Hindi ho, Sir!" mabilis na sagot niya.
"E, ba't ka naninigaw?"
"Masaya lang ako, Sir. Ang... bait n'yo, e." Tumawa siya nang alanganin at natampal niya ang noo. "Thank you."
"I'll be there in an hour."
"Okay, Sir. Hihintayin ko kayo. Ingat kayo, Sir."
"HIMALA, hindi mo itinali 'yang buhok mo," pansin ni Yñigo nang dumulog na ito sa hapag-kainan. Nakahanda na rin sa pagpasok ang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]
General FictionSleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) Jose Antonio and Ynari Date Started: December 16, 2018 Date Finished: January 9, 2019