Eighth Pull

16.5K 498 51
                                    

CHAPTER EIGHT

"IT'S ON me, Miss Pio," sabi ni Jai nang pareho na silang makababa ng sasakyan sa labas ng Chuck's Pasta.

"Sabi mo 'yan, ha," napangising sabi ni Nari. "Tamang-tama, gutom na 'ko!"

Saktong pagpihit ni Nari paharap sa entrance ng Chuck's Pasta ay nakita niya ang isang taong hindi niya inakalang makikita pa niya uli matapos ang matagal na panahon. Palabas na ito kasama ang isang batang babaeng sa tantiya niya ay mas matanda lang nang kaunti kay Jupiter.

At nakakatwang napatingin din ito sa kanya. Kung gulat siya ay mas gulat naman ito.

"Ynari."

"Gerald?" hindi makapaniwalang anas niya.

"Kaibigan mo, Papa?" tanong naman ng bata.

"Kumusta ka na?"

"Baby ko."

Napatingala si Nari nang akbayan siya ni Jai at hindi na siya nakakilos.

"Hintayin kita sa loob, ha, baby ko? Alam kong gutom ka na, baby ko, kaya io-order na kita, baby ko. Usap muna kayo ng kaibigan mo, baby ko, pero, baby ko, bilisan mo. Alam mo namang mabilis kitang ma-miss. Baby ko."

Napaigtad si Nari nang halikan siya ni Jai sa gilid ng kanyang noo. Gumapang ang nakakakiliting kilabot sa kanyang katawan pero hindi niya alam kung ano ang ikikilos. Masyado siyang nabilisan sa mga pangyayari. Sa isang iglap ay nakalapit na si Jai sa pinto. Nagtinginan pa ito at si Gerald bago ito tuluyang pumasok.

"Gumanda ka pa lalo." Nakangiti si Gerald nang lapitan siya.

"S-salamat. I-ikaw, gano'n pa rin," biro niya.

"Sa'n ka na nakatira ngayon?"

"Diyan, sa taas lang ng Chuck's. Dito na kami tumira ni Yñigo simula nang mailibing si Nanay. Naligaw ka yata rito."

"Ah, oo. Ito nga pala si Ginger, anak ko. Lumipat na kami ng bahay, kasama si Nanay. Gusto raw kasi niyang kumain ng spaghetti. E, itong pinakamalapit na kainang nakita namin. Ginger, batiin mo si Tita Nari mo."

"Hi, Tita Nari," bati ni Ginger at yumakap sa binti ng papa nito.

"Hi, Ginger. Ang gandang bata, a. Manang-mana sa'yo. Nasa'n pala ang Mama niya?"

"Nasa heaven na po," sagot ni Ginger.

"Ha?" Nagtatakang napatitig siya kay Gerald.

Ngumiti si Gerald pero may halong pait iyon. "Wala na si Patricia. Mahina kasi ang puso niya, e. Tatlong taon pa lang si Ginger no'n. Nagkaroon naman siya ng heart transplant. Noong una, successful. Pero pagkatapos lang ng isang buwan, ni-reject ng katawan niya 'yong bago niyang puso."

Napalunok siya.

"I-ikinalulungkot ko ang nangyari."

"Salamat, Nari. Pero ayos na kami ni Ginger. Tinutulungan naman ako ni Nanay at ng mga kapatid ko rito sa anak ko, e. Hindi rin siya pinapabayaan ng pamilya ni Patricia. Lumaki naman siyang mabait na bata."

"Mabuti naman," sabi ni Nari. "Saan ka na nagtatrabaho ngayon?"

"Supervisor na ako sa isang fastfood chain ngayon kaya naibibigay ko na lahat ng pangangailangan ng anak ko. Ikaw, may anak ka na ba?"

"W-wala pa. Busy akong magtrabaho, e."

"Asawa mo?" tanong nito at bahagyang nilingon ang direksiyon ng Chuck's Pasta.

"Hindi pa," kimi ang ngiting sagot niya.

"Oh. Dapat hindi ka na pinapakawalan n'ong boyfriend mo. Ang ganda mo pa naman."

Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon