Seventh Pull

16.7K 540 87
                                    

CHAPTER SEVEN

"NAGKAPE ka na ba, Miss Pio?" tanong ni Jai nang papasok na sila sa building.

"Uhm... depende sa'yo, Sir," sagot naman niya.

"Ano'ng klaseng sagot 'yan?" takang tanong nito.

Asus, nagtaka pa talaga!

"Kasi kahit sabihin kong nagkape na 'ko, ipipilit n'yo pa rin naman na hindi ako nagkape, 'di ba?"

"Masyado mo namang pinapalabas na eager akong makasama kang magkape."

"Hindi ba, Sir?"

"Kaunti lang." Jai smiled boyishly. "Kape tayo?"

Nagkibit-balikat na lang si Nari. Siyempre, gusto niya iyon. Sasama pa rin naman siya ipagpilitan man nito o hindi.

"You're the boss."

Nang dumating sila sa pantry ay wala pang masyadong tao.

"Ano'ng gusto n'yong kape, Sir?" tanong niya.

"Kape-ling ka."

"Huwow," matabang na sambit ni Nari.

Tumawa naman si Jai.

"Ang hirap mo namang patawanin."

"Waley ka lang talagang mag-joke, Sir."

Naupo na ito. "Brown coffee, please."

Tinalikuran na niya ito.

"TITO Jai!"

Kitang-kita ni Nari kung paanong kamuntikan nang maibuga ni Jai ang kape nito, pagkarinig nito sa cute na boses na iyon. Napalingon naman si Nari sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Jameson na hinahabol ng isang babae.

"Ang lakas talaga ng radar mo pagdating sa tito mong engot."

"Narinig ko 'yon, ha," pakli ni Jai.

"Hi, Nari!" bati ni Jameson sa kanya.

"Hi, Jameson!"

"Ano na naman ang ginagawa mo rito?"

"Ako may-ari nito. Bakit ba?" Walang kahirap-hirap na kumandong ito kay Jai.

"Tama 'yan, anak. Natututo ka na. Siguradong magiging proud ang dada mo sa'yo."

"Good morning po," bati naman ni Nari sa babae.

"Good morning," nakangiting bati sa kanya ng babae. "Bago ka rito, 'no?"

Tumayo si Nari. "Ako muna ang pansamantalang assistant ni Sir Jai habang naka-leave pa si Mike."

"Oh. Buti natitiis mo si Jai."

"Uhm, kaunti," pasakalye niya.

"Ako nga pala si Sonja. Mama ako nitong bulinggit na 'to." Ito pa mismo ang naunang mag-extend ng kamay.

"I'm Nari. I'm pleased to meet you, Mrs. Yap," sabi niya at tinanggap ang kamay nito.

"Nabanggit ka sa 'kin ni Jameson noong nakaraan. Friend ka raw ni Tita Maggie niya. Sabi niya, bagay raw kayo ni Jai. Parang hindi naman. Paano mo nauto ang pamangkin mo, Jose Antonio?"

"Sumusobra na 'tong nanay mo, Jameson."

Natawa naman nang malakas si Sonja.

"Diyan na muna si Jameson. May bibilhin lang ako."

Nang pumunta sa counter si Sonja ay naupo na uli si Nari.

"May ibibigay ako sa'yo," sabi niya kay Jameson.

Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon