Fourth Pull

18.5K 547 49
                                    

CHAPTER FOUR

NAPATINGIN sa sahig si Nari. Wala ba itong balak bumuka? Magpapalamon sana siya.

"Bakit siya?" hindi napigilang bulong niya.

"Nari?" untag ni Ate Maggie. Nagtataka ang mukha nito. "Okay ka lang?"

"H-hmm?" Napilitan siyang tumango. "Okay lang," pero halos lumabas lang iyon sa bibig niya.

"This is Jose Antonio Yap, vice-president for operations ng Merryland. Sir Jai, this is Nari Pio. Dati siyang executive assistant ni Mrs. Grace Martinez ng Pipol's Sardines."

Nginitian siya ni Jai. Makahulugan ang mga ngiting iyon. Hindi mapigilang kumabog ng dibdib niya. Katapusan na ba niya?

"Mukhang magkakasundo kayong dalawa," amused na sabi ni Ate Maggie at pinaglipat ang tingin sa kanila.

Sunod-sunod ang iling na ginawa ni Nari habang mariing nakalapat ang kanyang mga labi.

"May problema ba, Nari?"

Iling lang ang naging tugon niya.

"Are you sure, Miss Pio?" tanong ni Jai.

Pakiramdam ni Nari ay nasa lalamunan na niya ang kanyang puso. Hindi naman siya uminom, a? Bakit minamalas pa rin siya?

"Pwede n'yo ba kaming iwan ni Miss Pio? Gusto ko siyang lalong makilala."

Lagot na talaga siya.

"Walang problema, Sir," sagot naman ni Ate Maggie. "Kailangan ko na ring bumalik sa trabaho. May meeting pa kami ni Sir James."

"Jameson, sumama ka na kay Tita Maggie," sabi ni Jai sa pamangkin.

"Later, Tito. Play muna tayo," sagot naman ni Jameson.

"Sasabihan ko na lang ho ang daddy niya."

"Nari, galingan mo, ha," nakangiting sabi sa kanya ni Ate Maggie at pinisil ang balikat niya.

"Huwag mo 'kong iwan, Ate," sabi niya sa ipit na boses.

"Ha?" Natawa ito. "Hindi kita marinig. I'll see you later, anyway."

Wala nang nagawa si Nari nang magkasunod na lumabas ng opisina sina Ate Maggie at Mike. Nang magsara ang pinto, pakiramdam ni Nari ay nagsimula ang sentensiya niya.

"Jameson," tawag ni Jai sa pamangkin pero sa kanya nakatingin. Naghihintay na lang siyang matunaw na parang ice cream.

"Yes, Tito?"

"May chocolates do'n, gusto mo?"

"Really?" hindi makapaniwalang bulalas ni Jameson. "Sabi ni Mama, bawal ako kumain ng chocolates."

"It's your favorite chocolate drink. Trust me, she won't know."

"Okay!" at tumakbo na si Jameson sa isang sulok ng opisina.

Huminga nang malalim si Nari pero hindi pa rin iyon naging sapat para mabawasan ang tensiyon niya. Nang magsimulang humakbang palapit si Jai sa kanya, napaatras siya.

Ano nang gagawin niya ngayon?

"Huwag mo nang balaking tumakbo gaya ng ginawa mo noong isang gabi, Miss Pio."

"'Di nga 'ko makakilos, e."

Nang patuloy na humakbang palapit si Jai sa kanya ay siya ring pag-atras niya. Kamuntikan na siyang mapatili nang bumangga ang likod niya sa pinto. Bahagyang tumiklop ang tuhod niya nang iharang ni Jai ang isang braso nito sa uluhan at ang isa naman ay sa gilid niya. His familiar muscular scent filled her nostrils.

Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon