Twelfth Pull

16.3K 498 17
                                    


CHAPTER TWELVE

AGAD umagaw sa pansin ni Nari ang mahabang pool sa gitna ng first floor ng cottage. Wala pa nga lang iyong tubig. Merong lounging chairs sa paligid at doon pa lang ay pwede nang mag-enjoy ang sino mang nandoon. Dinala siya doon ni Jai pagkatapos nilang mananghalian, gaya ng pangako nito sa kanya.

"Sa taas na lang ang tinatapos?" tanong ni Nari habang binabagtas nila ang kahabaan ng pool.

"Oo. Ilang kwarto na lang naman ang tinatapos ayusin. Gusto mong umakyat sa taas? Pumili ka ng kwartong gusto mo. O mas gusto mong share na lang tayo?" Pilyo siyang nginisihan ni Jai.

Nag-init naman ang mukha ni Nari.

"Itulak kaya kita diyan nang maranasan mong malunod nang walang tubig?" tukoy niya sa pool.

"Wow, that's so mean and so sexy at the same time."

Napamaang siya pero saglit lang iyon.

"Ipakita mo na lang sa 'kin 'yong taas. Baka itulak talaga kita at sa 'kin ka pa mahulog." Sinadya niya itong unahan at tinungo ang puting staircase.

"You know I don't mind."

Nakagat na lang niya ang ibabang labi para hindi nito marinig ang kanyang pagbungisngis.

LUMANGHAP ng sariwang hangin si Nari habang nakatanaw sa malawak na terrace. Kitang-kita naman doon ang kabilang panig ng isla at ang Tagpuan beach resort.

"Ang ganda!"

Simula nang dumating siya doon, wala na siyang naging bukambibig kundi ang salitang iyon.

"Pumapayag ka na bang ipangalan ko sa'yo ang islang 'to?"

Humarap siya kay Jai na sobrang lapit na pala sa kanya. Humakbang pa ito at napasandal siya sa railings. Inilagay nito ang mga braso sa magkabilang gilid niya. Nari swallowed as she looked up to him.

Pinagmasdan siya ni Jai, na para bang kinakabisa nito bawat hugis ng parte ng kanyang mukha. Parang hinahalukay ang sikmura ni Nari habang nakatitig din sa mukha nito.

Nari laughed nervously. "N-nao-overwhelm pa rin ako sa mga nangyayaring 'to, sa totoo lang."

"Pero masaya ka naman, 'di ba?"

Walang pag-aatubiling tumango siya.

"Iyon lang ang mahalaga sa 'kin, kung gano'n. Ang maging masaya ka." Hinawakan ni Jai ang baba niya at dahan-dahang bumaba ang mukha nito para magtagpo ang mga labi nila.

Gumapang ang nakakakiliting sensasyon sa buong katawan ni Nari nang maramdaman ang mariing paghalik nito. Naghiwalay ang kanilang mga labi at tinitigan siya sa mga mata ni Jai. His eyes promised more happiness for her in the coming days. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. Hindi niya inakalang mangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Pwede pa pala.

Jai kissed her again. This time, he kissed her hard, and he kissed her deep. Nari parted her lips and welcomed his tongue inside her mouth. Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa leeg nito at tinugon nang buong puso ang mga halik nito.

Siguro nga ay masyadong naging mabilis ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Jai. Pero alam ni Nari na ayaw niyang palampasin bawat sandali na kasama niya ito. Ngayon lang uli niya naramdaman ang ganoong klase ng saya, higit pa sa naranasan niya noong una.

At gusto niyang maiyak sa sobrang saya nang mga sandaling iyon.

"AALIS lang muna kami ni Julio para bumili ng mga gulay at isda na uulamin natin mamaya sa hapunan. Babalik kami bago lumubog ang araw. Meron ba kayong gustong ipabili?"

Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon