EPILOGUE
"MALIGO na kayo!"
Naging mataginting ang tili ng apat na taong gulang na si Javie nang tumakbo ito mula kusina hanggang sala kasunod ng Kuya Chivas nito. Pinapahirapan na naman siya ng dalawa.
"Mamaya na, Ma!" si Chivas.
Naghiwalay ang mga ito at umikot sa sofa kaya lalong nalito si Nari kung sino ang unang hahabulin. Pambihira.
"'Yan din ang sabi n'yo kanina." Napamaywang siya at nagbabantang tiningnan ang dalawa. Pero sa halip na matakot ay bumungisngis pa ang mga ito. Akala siguro ng mga bubwit na 'to, nakikipaglaro pa siya.
"Naglalaro pa kami ni Kuya, e."
"Ang babantot n'yo na. Mas maasim pa kayo kaysa sa paksiw na bangus. Mga anak, naman, e..." Hindi niya napigilan ang mapaingos.
Ganito lagi ang eksena sa bahay nila kapag oras na ng paliligo.
"Mama..." sabay na ingos ng dalawa.
"Ligo na kasi. Iiyak na si Mama, sige kayo."
"Parang alam ko na 'to, e."
Napatingin siya sa asawa niya na pumasok ng bahay. Galing ito sa labas at kausap ang Kuya James nito sa cellphone. Linggo nang araw na 'yon at siniguro nitong tuloy ang mga pinsan ng dalawa nilang bubwit para sa camping night.
"Pa..." ingos ni Nari at nakasimangot na tiningnan si Jai. "Itong mga anak mo."
"Papa!"
Tumakbo ang dalawa papunta kay Jai at yumakap sa binti nito.
"Ano? Walang ligo? Sige, wala rin tayong camping mamayang gabi."
"Papa," ingos ng dalawa.
"Hindi ako nagbibiro." Sumeryoso pa si Jai habang pinaglilipat ang tingin sa dalawa.
"Malamig, Papa, e," si Javie.
"Javier Antonio, walang camping o walang ligo?"
"Opo, maliligo na po," sabi naman ni Javie.
"Chevalier Antonio, walang camping o walang ligo?" baling naman nito sa panganay nilang higit limang taon na.
"Siyempre, maliligo," sagot naman ni Chivas.
Nginisihan siya ng mga anak niya at tumakbo palapit sa kanya.
"'Di ba, Mama, tuloy ang camping?"
Umuklo si Nari at kunwari ay nag-isip.
"Kung hindi n'yo na 'ko pahahabulin sa susunod..."
"Hindi na, Mama! Promise!" sabay na sabi ng magkapatid. Hinalikan pa ng dalawa ang magkabila niyang pisngi. "Sorry, Mama. We love you."
Niyakap naman niya ang mga ito at hindi niya naitago ang mga ngiti. Kahit naman saksakan ng kakulitan itong mga anak niya, sweet at mabait ang mga ito. Ngayon alam na niya ang struggles ni Sonja noong mas bata-bata pa si Jameson. Napaka-challenging pero fulfilling ang pagiging nanay at asawa. Papa's boys lang talaga itong mga anak niya.
"I love you, too, mga anak. Gusto n'yong mag-barbecue mamaya?"
"Yehey! Barbecue!"
"Ako na ang magpapaligo sa kanila," sabi ni Jai at lumapit sa kanila.
Tumayo naman si Nari. "Sigurado ka?"
"Baka mapagod ka pa, e. Ikuha mo na lang sila ng mga damit at tuwalya."
"Thank you!" Tumiyad siya at hinalikan sa pisngi si Jai. "Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?"
"Bakit sa pisngi lang?" kunwari ay reklamo nito.
"Mamayang gabi na lang para isang singilan," pilyang tugon niya.
Ngumisi naman si Jai.
"Sabi mo 'yan, ha." Kinindatan pa siya ng asawa.
"Kilala mo 'ko, Mr. Yap," makahulugang tugon niya.
Hinawakan ni Jai ang likuran ng kanyang ulo at hinalikan siya sa noo.
"Natutuwa ako kapag sinasabi mo 'yan."
"Ang alin?" amused na tanong niya.
"'Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?' Linya ko 'yan, e. You know, for having a superwoman for a wife."
Tumawa si Nari.
"Papa'no, asawa ko si Superman. It's a tie." Tinapik niya ang pisngi ni Jai. "Ikaw na ang bahala sa kanila. Sa'yo naman ang nagmana mga 'yan."
Pumasok si Nari sa kwarto ng mga anak niya para kumuha ng mga tuwalya at damit.
Jai fulfilled her promise to her when they got married. Hindi gano'n kalaking bahay, malawak na backyard at maraming puno, malawak na damuhan, maliit na playground at swimming pool, lalong-lalo na ang camping nang magkaroon na ng isip ang mga anak nila.
Kapitbahay rin nila sina Sonja kaya madali lang para sa kanila ang pumunta sa bahay ng isa't isa kung merong okasyon.
PUMASOK si Nari sa kwarto nila ni Jai pero tahimik doon. Walang senyales na naroon na ang mag-aama sa banyo. Inilagay niya sa kama ang mga damit at tuwalya at gano'n na lamang nag panlalaki ng mga mata niya nang makita ang mga ito sa likod-bahay mula sa bintana ng kwarto.
Wala nang pang-itaas ang tatlo. Hawak ni Jai ang hose na bumubulwak ang tubig at nakataas iyon sa ere. Patalon-talon naman ang mga anak niya habang nagpapakabasa. Hindi niya napigilan ang mapanganga.
"Ligo pala, ha."
Napailing si Nari na nauwi rin sa ngiti. No question, Jai is a very good father to their children. Sabihin na lang nating 'unique' ang pamamaraan nito. Kumuha siya ng shampoo at sabon sa banyo at lumabas ng bahay dala ang mga tuwalya. Maging si Jai ay dinalhan na rin niya.
Inilagay ang mga iyon ni Nari sa garden table sa ilaim ng puno at nilapitan ang mag-aama niya. Hindi nga nakagpatatakang maging Papa's boys ang mga ito.
"Ang sasaya n'yo, a," pansin niya.
Jai smiled sheepishly at her.
"Sali ka, Ma?"
"Siyempre, naman!" Tumakbo siya papunta sa ilalim ng hose at nagpakabasa kasama ang pamilya niya.
Niyakap siya ng isang braso ni Jai at inangkin ang mga labi niya para sa isang maalab na halik.
"Ang galing mo talaga, Pa," natawang sabi niya at hinilamusan ang mukha nito. "Kaya mahal na mahal kita, e."
"Mas mahal na mahal kita, Ma," masuyong sabi nito.
Nari's heart swelled. Gusto sana nilang sundan ang dalawa pero mahirap umere kaya bahala na kung pahihintulutan ng Panginoon.
Hahalikan na sana uli siya ni Jai nang sumingit si Javie.
"Papa, habulin n'yo kami!"
At nagtatatakbo na ito at si Chivas. Nagkatinginan sila ni Jai.
"Mamaya?" pigil ang ngiting sabi niya.
"Mamaya," tugon naman nito at binalingan ang mga bata.
"Nandiyan na 'ko!"
"Mama, takbo tayo dali!"
BINABASA MO ANG
Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]
Fiksi UmumSleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) Jose Antonio and Ynari Date Started: December 16, 2018 Date Finished: January 9, 2019