Second Pull

24.9K 531 17
                                    

CHAPTER TWO

"ANO'NG nararamdaman mo, Nari? Okay ka lang ba?"

Napamulat si Nari sa marahang pagtampal sa kanyang pisngi. Nakita niya ang mukha ng nag-aalalang mga pinsan. Nasa labas pa rin siya ng CR at nakahandusay. Napatingin siya sa balikat niya at nakita niyang nakasuot sa kanya ang isang coat. Pamilyar ang amoy niyon.

"Kaya naman pala ang tagal mong bumalik. Nag-aalala kami sa'yo. Akala namin kung napa'no ka na. Nandito ka lang pala," si Yvonne.

"Nakita ka naming nakahandusay. May masakit ba sa'yo? Tumama ba ang ulo mo sa kung saan? Wala ka namang bukol saka wala ka ring sugat," si Jonie.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Bukod sa masakit ang pwetan niya, wala na siyang ibang maramdaman sa ibang parte ng katawan niya.

"Kanino galing 'to?" tukoy niya sa coat. Nilinga niya ang paligid ng kinaroroonan nila. "Nasa'n na 'yong magiging tatay ng mga anak ko?"

"Ha?"

Nagkatinginan ang mga pinsan niya.

"Mukhang okay lang naman si Nari, tingin mo, Jonie?"

"Oo nga. Grabe, Nari. Tatlong bote lang, nalasing ka na?"

"Hindi ako lasing. Nakakita lang ako ng gwapo," pakli niya. Kinusot-kusot ni Nari ang mga mata.

"Kaya nawala ka sa sarili mo?" tanong ni Yvonne.

Pilit niyang inalala ang nangyari. Matapos siyang bitiwan ng lalaki at bumagsak, hindi na siya tumayo at humiga na lang sa sahig dahil sa kahihiyan. Nakakita lang siya ng gwapo, nawala na agad siya sa sarili!

"Nakakahiya..." napaingos na sabi niya mayamaya pa.

"Okay lang 'yan," sabi ng mga pinsan niya.

Inalalayan siya ng mga itong tumayo.

"Hindi okay!" ingos pa ni Nari. "Tinakot ko 'yong tao!"

"Itulog na lang natin 'to, Nari. Halika na," sabi naman ni Yvonne.

"Natakot 'yong tatay ng mga magiging anak ko!"

"Ay, sus. Hindi raw lasing," pakli ni Jonie.

"SINABI kong siya ang magiging tatay ng mga anak ko?"

"Oo nga!" sabay na sagot ng mga pinsan niya. Nasa sala sila ng bahay nila nang mga sandaling iyon dahil kinumusta siya ng dalawa.

Napatitig si Nari sa hawak niyang coat. Tinanghali na siya ng gising nang sumunod na araw at kahit sa pagtulog niya ay pinangkumot pa rin niya ang coat na iyon. Ilang sandali pa ay napangiwi siya. Hindi siya makapaniwala!

"Ano? Inaamin mo nang nalasing ka nga?" si Yvonne.

Napakurap-kurap siya at tumingin sa kawalan. Nalasing ba siya? Hindi naman siya gano'n kapag nalalasing siya, e. Saka bihira lang siyang malasing.

At hindi ako laging nakakakita ng gwapo kapag nalalasing...

"Nalasing talaga ako?" wala sa loob na tanong niya. "Tatlong bote lang 'yon, a?" Napaungol siya. Lalong sumasakit ang ulo niya sa lagay na iyon.

"Okay ka na ba?"

"Masakit lang ang ulo ko. Gusto kong matulog ulit."

"Gwapo ba talaga 'yong lalaking nakita mo sa labas ng CR kagabi?" tanong pa ni Jonie.

"Hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking 'yon. Pati 'yong amoy niya, hindi ko makakalimutan," sagot niya at dinala sa ilong ang coat nito. Amoy-gwapo talaga, e.

Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon