Final Pull

19.7K 506 29
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"TITA Nari!"

Agad na kumawala si Jameson sa pagkakahawak ni Sonja at tumakbo palapit sa kanya.

"Jameson, dahan-dahan lang!" si Sonja at mabilis itong hinabol.

Sinalubong naman ito ni Nari para mahawakan agad ito. Umuklo siya at niyakap siya ni Jameson sa leeg. Sa pantry na sila nakipagkita rito.

"Dinalhan mo 'ko ng brownies?" excited na tanong nito.

"Oo naman. Pero may bayad na," natawang sagot niya.

Nagkatinginan sila ni Sonja. Natawa naman ito.

"Wala na siyang ibang bukambibig kundi brownies, puro na lang brownies. 'Yon lang, hindi na siya kumakain ng tsitsirya kasi mas gusto niya ng matamis. Alam n'yo, ang bilis ma-sold out ng brownies ninyo sa coffee shop namin."

Tumayo si Nari. Hinawakan naman ni Sonja ang kamay ni Jameson.

"Ang swerte namin sa'yo, Mrs. Yap," masayang sabi niya. "Nagtiwala ka agad sa 'min. Itutuloy na talaga namin 'tong negosyo namin."

"Huwag mo na 'kong tawaging 'Mrs. Yap'. 'Sonja' na lang. Malapit ka na ring maging pamilay, tama?"

Nahihiyang ngumiti siya.

"Ano kayang mararamdaman ni Sannie kapag nalaman niya?" mahinang sabi ni Sonja pero narinig pa rin niya.

"H-ha? Sino si Sannie?"

Natawa si Sonja at napakumpas sa hangin.

"Kapatid ko na may pagsintang pururot kay Jai. Pero matagal na 'yon. Magkikita ba kayo ni Jai ngayon?" pag-iiba nito.

"Ah, oo. Sabi niya, pagkatapos niyang makipagkita sa mommy niya, magde-date daw kami. Sana hindi ko siya nadi-distract sa trabaho niya."

"Hindi, a. Inspired ngang magtrabaho ang lokong 'yon, e."

"T-talaga?" manghang anas niya.

"Asawa ko na ang may sabi niyan, ha." Kinindatan pa siya ni Sonja.

Pumalakpak naman ang tainga ni Nari sa narinig.

"Tita Nari, flower boy ako, ha!" singit ni Jameson.

Napabunghalit naman sila ng tawa.

"SAAN mo hihintayin si Jai?" tanong ni Jonie nang maiwan na sila sa pantry.

"Nag-usap kami kanina. Hintayin ko na lang daw siya sa opisina niya. Sabihan ko na lang daw si Mike sakaling may kailangan ako," sagot naman niya.

"E, kung puntahan na lang natin siya at doon na lang tayo mag-lunch?" sabi naman ni Yvonne.

Napaisip si Nari. "Imi-meet ko ang mommy niya?"

"Ano'ng masama?" sabay na tanong nga mga pinsan.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Hindi naman siya kinakabahan o ano. Siguro nga, walang masama kung makipagkita na siya sa mommy nito. Ipinaalam naman iyon sa kanya ni Jai kahapon kaya wala nang problema. Siguradong matutuwa ito kapag nakita siya nito doon.

Napangiti siya ilang sandali pa.

"Sige, sorpresahin natin siya," sabi niya.

Napahaghikhik naman ang mga pinsan niya. Agad niyang tinawagan si Mike.

"Hi, Mike."

"'Oy, Nari. Nasa'n ka? Nandito ka na ba?"

"Oo. Kasama ko ang mga pinsan ko. May ginagawa ka ba? Magpapasama sana kami sa restaurant kung nasa'n si Jai at ang mommy niya."

Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon