CHAPTER THIRTEEN
"HALIKA, ililibre kita ng paborito mong lasagna." Nakangiting kinuha ni Nari ang kamay ni Jai nang matapos nitong isara ang pinto ng kotse.
"Sigurado ka?" amused na tanong nito. "Hindi ka ba magpapahinga na?"
"Nagutom ako, e. Sigurado akong ikaw rin. Gusto mo bang umuwi na?"
"Hindi, a," mabilis na tugon ni Jai. Pinisil nito ang palad niya. "Nakikita mo ba? Ang aga pa. Marami pa tayong oras na magkasama. Halika na?"
Nakangiting tumango siya.
"Uncle Chuck!" masayang bati ni Nari paglapit nila sa counter.
"Nari, maganda kong pamangkin!" tugon ni Uncle Chuck matapos ibigay sa isang waiter ang isang order ng spaghetti. "Kauuwi mo lang?"
"Opo!"
"Magandang hapon, Uncle Chuck," bati naman ni Jai.
"Jai, magandang hapon. Gwapo ka pa rin, a. Kayo ba ni Ynari ang magkasama nitong nakaraang tatlong araw?" Nakangising pinaglipat ni Uncle Chuck ang tingin sa kanila ni Jai.
"Nagpakalayo-layo lang kami sandali sa magulong siyudad, Uncle," sagot naman ni Jai.
"Nag-honeymoon kayo?"
Nanlaki ang mga mata ni Nari at hindi napigilang mag-init ng kanyang mukha.
"Parang gano'n na nga ho," nakangising sagot naman ni Jai.
Siniko ito ni Nari nang wala sa oras.
"Kayo na, 'no?" tanong pa ni Uncle Chuck.
"We're on the—"
"Opo, Uncle," sansala naman ni Nari at makahulugang tiningnan si Jai. "Sinagot ko si Jai sa kondisyon na liligawan niya 'ko habang-buhay."
He looked surprised. Wala naman silang pinag-usapang gano'n kanina. Pero mas mabuti na rin iyong narinig nito iyon sa harap ni Uncle Chuck. Parang tatay na niya si Uncle Chuck. Mabuti nga't malaman nitong lagot ito sa tiyuhin niya kapag naisipan nitong magloko.
Napatukod si Uncle Chuck sa counter at seryosong tiningnan si Jai.
"Parang anak ko na 'yang si Nari, Jai. Huwag mong sasayangin ang pagmamahal niya. Ikaw rin ang mawawalan, hindi siya."
Naramdaman naman ni Nari ang mahigpit na pagpisil ni Jai sa kamay niya. Bigla yata iyong nanlamig?
"Huwag po kayong mag-alala, Uncle Chuck." Huminga ito nang malalim at tinitigan siya. "Paghihirapan kong makuha ang matamis niyang 'oo' kahit kasal na kami at matanda na kami at parehong uugod-ugod na."
Nari's expression softened. Hindi niya inaasahang maririnig iyon kay Jai. Parang hinahaplos ng mainit na kamay ang kanyang puso. Nai-imagine talaga nito ang future nito kasama siya?
"Ako yata ang ipinadala ng universe para maging ama ng mga magiging anak niya. Namin pala," dagdag pa nito.
"Sige. Basta mag-anak kayo nang marami, ha. Kahit dalawa, pwede na," napatangong sabi ni Uncle Chuck. "Umupo na kayo. Ililibre ko kayo."
"Thank you, Uncle!" sabay pa nilang sabi ni Jai.
Uupo na sana si Nari nang basta na lang siyang halikan ni Jai sa pisngi. Akmang kukurutin na niya sa tagiliran si Jai nang pumisik na ito.
"Huwag diyan!"
"Wala pa," pakli naman niya.
"PASOK ka. Pagpasensiyahan mo na 'tong bahay namin, ha," sabi ni Nari kay Jai matapos niyang buksan ang pinto. Pinindot niya ang switch ng ilaw dahil madilim na. "Akin na 'yan," tugon niya sa bag niyang hawak nito.
BINABASA MO ANG
Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]
General FictionSleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) Jose Antonio and Ynari Date Started: December 16, 2018 Date Finished: January 9, 2019