Sixth Pull

17.2K 532 71
                                    

CHAPTER SIX

WALA pang isang linggo na assistant si Nari ni Jai pero pakiramdam niya, 'delikado' siya. Kasi naman. Kung ano-anong mga walang kwentang bagay ang ini-entertain niya! Ipinagmamalaki niyang professional siyang magtrabaho pero simpleng titig at hawak lang ng boss niya, nakakaramdam siya ng pagkailang.

Tama ba naman 'yon? kwestiyon niya sa sarili.

Oo, matagal siyang nagtrabaho kay Mrs. Martinez bilang assistant nito at matagal na mula nang magkaroon siya ng romantic relationship sa isang lalaki. Pero valid bang excuse 'yon? Bukod sa isang malaking tukso naman talaga ang boss niya?

Imposible namang magkagusto sa 'kin 'yon, e. At hindi ko dapat siya ginugusto.

Falling in love with someone like Jose Antonio Yap could mean trouble. Malakas siyang napabuntong-hininga.

Tama, Ynari. Natitigang ka lang.

Nakasunod siya kina Jai at Mr. Romero habang nag-iikot sa third floor ng mall nang mapahinto siya sa isang boutique ng mga dress.

"Wow, ang gaganda..." hindi napigilang anas niya. "Pero siguradong ginto rin ang presyo."

Lumapit siya nang husto ang idinikit pa ang isang kamay sa salamin ng boutique. Nakita niya ang isang kulay-rose na dress na suot ng mannequin. Simple lang ang design n'on pero napakaeleganteng tingnan. Bagay siguro sa kanya 'yon. Meron kaya n'on sa online shopping website na lagi niyang tinitingnan?

"Bakit hindi ka pumasok?"

Napaigtad at napatuwid nang tayo si Nari nang marinig ang boses ni Jai sa kanyang tabi.

"Sir!" gulat na anas niya. "Sorry po. Tara na po."

Akmang lalampasan na niya si Jai nang bigla siya nitong kabigin sa balikat at napakambiyo siya. Kung hindi lang ito nakahawak sa kanya, malamang ay nawalan na siya ng balanse. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ni Nari.

"Alin ang gusto mo diyan? Halika, tingnan natin." Kinabig na siya ni Jai papasok sa loob pero pinigilan niya ito sa dibdib.

"Wala akong dalang pambili, Sir. Tara na po."

"Pasok," may-diing sabi nito.

"Oo nga po. Tara na po sa loob." Kumawala siya rito at nauna nang pumasok sa boutique. "Pambihira." Pakiramdam niya, para siyang aatakehin sa puso.

"Good morning, Sir, Ma'am," bati ng tatlong staff ng boutique sa kanila.

"Mr. Yap, kayo ho pala," sabi ng isang babaeng lumapit sa kanila. "Ano pong maitutulong ko sa inyo?"

"Merong gustong dress itong kasama ko."

"Sir, hindi ko pa naman po kailangan, e—"

"Kailangan mo. Pupunta tayong Bacolod next week. Kailangan mo ng maisusuot." He put his hands on his waist like a boss. "Which one?"

Kulang na lang ay sabihin nitong bilisan na niya ang pagpili dahil baka magbago pa ang isip nito. Agad niyang itinuro ang kulay-rose na dress sa isang sulok.

"'Yon po, S-Sir."

"'Yan lang?"

"Opo, Sir," napatangong sagot niya.

"Bigyan n'yo rin siya ng isang pares ng sapatos na babagay sa dress niya," sabi nito sa staff.

HINDI makapaniwalang pinagmasdan ni Nari ang sarili sa salamin habang suot na niya ang dress na tinitingnan lang niya kanina. Kasyang-kasya iyon sa kanya at para bang sinukat talaga para sa kanya. Isang balikat lang ang merong strap at meron pang slit.

Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon