Fourteenth Pull

16.2K 458 12
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"MERON kang nararamdaman para kay Jai at gusto mo siyang makasama at gano'n din siya pero ayaw mo pang ipakilala ka niya sa pamilya niya? Tama ba, Nari?" ani Yvonne.

Tumango-tango si Nari habang kagat-kagat niya ang ibabang labi.

Nasa bahay sila nina Jonie nang mga sandaling iyon para tulungan ang mga pinsang mag-bake ng panibagong order na ilalagay nila sa Chuck's Pasta mamaya. Pinapalamig na lang nila ang mga na-bake na brownies at kinakain ang sobra.

Sinabi niya sa mga pinsan ang mga inaalala niya dahil sa relasyon nila ni Jai. Tingin niya ay hindi naman iyon malaking problema sa kanila pero hindi kasi kasing-ordinaryo ng ibang relasyon ang relasyon nila. Hindi sila dumaan sa ligawan. Nagkakilala sila sa isang hindi rin ordinaryong paraan. Naging mabilis ang lahat.

Bago naging sila ni Gerald noon, isang taon din siya nitong niligawan. Hindi lang niya ito sinagot dahil bukod sa hindi niya ito gusto sa umpisa, pag-aaral ang inatupag ni Nari noon. Sinagot lang niya si Gerald bago sila magtapos ng kolehiyo. Nahulog din naman kasi ang loob niya kay Gerald dahil sa pagiging sincere at pagiging matiyaga nito.

Hindi naman sa ikinukumpara niya si Jai kay Gerald. Alam niyang hindi na siya makakahanap pa ng lalaking katulad nito. At kahit nga naging gano'n lang kabilis naging sila, sigurado si Nari na si Jai na ang lalaking kasama niyang haharap sa altar.

Hindi niya napigilang mapangiti nang maalala ang nangyari kaninang umaga. It was cold and Jai was making love to her. Kaya siguro may mga nagsasabing best time for sex is morning. Pero para kay Nari, the best time for sex is anytime as long as it's with Jai, of course.

"Nari, matatanda na kayo," sabi ni Jonie na nagpabalik kay Nari sa kasalukuyan. "Kaya naging kayo agad ni Jai ay dahil sigurado na kayo sa isa't isa. Kung mga teenager lang siguro kayo, malaki ang tendency na nagpapadalos-dalos lang kayo. Do'n ka dapat mag-alala."

Napatitig si Nari kay Jonie. May punto ang pinsan niya. Natumbok nito. Bumuntong-hininga siya.

"Nakakatawa," sabi niya. "Iyon ang inaalala ko kaya sabi ko kay Jai, bigyan niya 'ko ng panahon pa para makapaghanda. E, ano naman kung sabihin ng pamilya niya na parang napakabilis naman? Kami naman 'to ni Jai. Kami lang ang makakapagsabi na sigurado na kami sa isa't isa."

"Mismo!" sabay na sabi ng mga pinsan niya.

"Kaya kung mag-propose man sa'yo si Jai, alam mo na," ani Jonie.

"Oo na agad. Para hindi na makawala!" segunda naman ni Yvonne.

Natawa naman si Nari. Kaya mas lalo niyang gustong magtiwala kay Jai. Alam niyang hindi siya nito sasaktan.

NAGPALIT ng damit si Nari nang dalhin ng mga pinsan ang mga b-in-ake nila sa baba kaya pinauna na niya ang mga ito. Papasok pa lang siya sa Chuck's Pasta nang makasalubong niya si Gerald. Palabas naman ito. Hawak nito ang take out order nito na sa hula niya ay para kay Ginger.

Pero ang aga naman yata nitong umuwi galing sa trabaho? Nakatungo lang si Gerald at halatang nagmamadali.

"Gerald," tawag niya.

Parang natauhan naman si Gerald at nag-angat ng tingin. Gulat na gulat ito pagkakita sa kanya. Kung hindi siguro niya tinawag ang atensiyon nito ay baka nagkabanggaan na sila.

"Nari!" anito nang biglang mapahinto.

"Nagmamadali ka?"

"Oo. Kailangan ko pang pumunta ng ospital, e."

"Bakit? Sino ang naospital?" alalang tanong naman ni Nari.

"'Yong anak ko."

Nanlaki ang mga mata niya.

Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon