CHAPTER TEN
"GOOD morning, Miss Pio."
"'Morning, Sir," tugon ni Nari.
Hindi napigilang mangunot ng noo niya nang makita ang ayos ni Jai. Kaswal na kaswal ang dating nito. Nakasuot ito ng puting long-sleeved polo, itim na pants at isang kilalang brand ng rubber shoes. Lalo itong nagmukhang batang tingnan at siya, mukha siyang guardian nito. Ang unfair din naman talaga ng buhay.
"Nakapagpahinga ka ba nang mabuti?"
Tumango siya, hindi pa rin maalis ang tingin sa kabuuan nito.
"Sa'n ang lakad mo, Sir?" hindi nakatiis na tanong niya.
"Sa opisina."
"Talaga?" wala sa loob na anas niya.
"May wash day rin kaya ang mga vice-president." Napamaywang pa ito.
"Alam ko. 'Di mo kailangang maging defensive." Itinaas niya ang isang kamay. "Chill ka lang."
"Bakit dala-dala mo pa rin 'yan?" tukoy nito sa folder na bitbit niya.
"Ano bang dapat kong gawin dito?"
"Itapon o 'di kaya ipanggatong."
"Ha?"
Nilapitan siya ni Jai at hinablot ang folder. Napasunod ang tingin ni Nari nang lumapit si Jai sa basurahan sa tabi ng pinto ng sarado pang Chuck's Pasta at itinapon doon ang folder. Nanlaki ang mga mata niya pero walang salitang lumabas sa bibig niya.
"Ikaw na ang gusto kong i-date kaya hindi mo na kailangang mag-aksaya ng oras do'n. Magselos ka pa, e," sabi nito habang pabalik sa kanya.
"Huwow," ang nasabi lang ni Nari.
"I don't make my woman feel insecure, Miss Pio."
"Nice."
Naipilig ni Nari ang ulo. Totoo ba 'tong nangyayaring 'to? Kasi kung hindi, hindi rin siya maniniwalang hindi ito totoo.
"Nagbihis ka para magpapogi sa 'kin, 'no, Sir? Huwag kang magkakaila."
"Hindi ka naman pala manhid, e. I like that," he said grinning.
Bigla siyang napatalikod kay Jai at napahawak sa kanyang dibdib. Nagwawala na naman ang puso niya.
Ano ba 'yan? Ang aga-aga!
Huminga siya nang malalim bago muling hinarap si Jai.
"Male-late na tayo, Sir. Tara na ho."
ABALA sa pag-e-encode ng kontrata sa computer si Nari nang bigla na lang may lumitaw na kape sa computer table niya. Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng bagong timplang kapeng merong creamer.
"Kanina ka pa nagtatrabaho," sabi ni Jai.
"Sir!" gulat na anas niya. "Ah, kayo ho ang nagtimpla?"
"Sana pumasa sa panlasa mo."
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mukha nito at sa tasa ng kape. Nakagat niya ang ibabang labi pero hindi rin naman niya naitago ang pagngiti. Pakiramdam niya, ang haba-haba ng buhok niya. Anong swerte naman ng isang assistant na ipagtimpla ng kape ng boss niya.
"Ako dapat ang gumagawa nito, Sir."
"Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin para sa babaeng gusto ko."
Pakiramdam ni Nari ay nahulog sa kape ang puso niya.
"Oras ng trabaho, Sir, nanliligaw kayo? How unprofessional," biro niya.
BINABASA MO ANG
Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) [Completed]
General FictionSleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) Jose Antonio and Ynari Date Started: December 16, 2018 Date Finished: January 9, 2019