•Mr. Cold 01•

1.1K 35 1
                                    

Chapter 01

Kinagat ko ang aking labi habang kausap ko si Daddy na patuloy pa din ang kakatanong. "You should tell me that you have already your boyfriend!" Mariin akong napapikit.

"Dad, Wala po akong boyfriend." Matigas na sabi ko at bumuntong hininga.

"Don't be shy, 'nak. Babalik ako sa susunod na buwan at kailangan mo siyang maipakilala sa'kin. Mag-ingat ka diyan 'nak."

"But Da-"

"I love you sweetheart."

"I love you too, dad." I sighed. Nakatulala lamang akong nakatingin sa pader. Ni hindi ako lumalabas ng bahay. Ayoko, natatakot ako!

Biglang may kumatok sa kwarto ko. I didn't bother to answer. Bumukas 'yon at iniluwa ang nakangising si Adah.

"What brings you here?"

She laughed. "Hindi ka naman kriminal para magkulong dito sa apartment!" Natatawang sabi niya at lumapit sa kaniya. "Hindi mo i-nenjoy ang weekends natin." Umupo ito sa kama ko.

Yumuko na lamang ako. Natatakot ako na sa paglabas ko ay puro masasakit na salita lamang ang maririnig ko. Masakit na nga para sa'kin dahil sa mga nabasa ko, what if kaya kung sa personal pa?

"I don't know... Natatakot ako Adah. Ba'ka magalit sila sa'kin! Lalo na si Dheil!" Sinubsob ko ang aking mukha sa isang unan at dun nagmumura.

"That's the consenquence that you got." Natatawang sabi niya. Umangat ang tingin ko sa kaniya at inirapan siya.

"Hindi ka naman nakatutulong ehh!"

"Hindi naman talaga kita tinutulungan, sinabi ko ba?"

Ngumuso ako sa sinabi niya. She just laughed. "Try mong lumabas Devline. Hindi ka naman masusunog. 'Di mo ba miss ang sikat ng araw?"

"Nope, masusunog lamang ako sa tindi ng init." Sagot ko dito na ikinahalkhak niya.

"Even night?"

"Sinabi ko ba?"

Ngumisi ito sa'kin. Kinuha niya ang phone niya sa kaniyang bulsa at hinagis sa'kin. Humiga ito sa'king higaan.

"Read that."

Lumingon ako sa phone niya at ngumiwi ng makitang 'yung viral photo namin ni Dheil na hinalikan niya ako.

"Ayaw ko!"

Kinuha niya ang cellphone at tumawa. "Sorry, mali ng pindot. Ito pala," Inabot niya sa'kin ang phone niya. "Tweet ni Dheil 'yan." Aniya.

Napapikit muna ako bago basahin ang tweet niya.

@glbdheil

I saw the viral picture. Almost of the people ask me about that, also my relatives. For the information of all of you guys, we are NOT in a RELATIONSHIP. She is just a FANGIRL who wants a KISS from me. So, I gave her. I'm not that bad guy.

Binasa ko ang mga comment at imbes na galit ang makita ko dito ay puro tuwa. Natutuwa sila dahil ngayon pa lamang ito nag-tweet ng ganitong kahaba.

"So... Lumalamig na ang issue. Pwede ka ng lumabas."

"Ayoko! Kahit na ba humuhupa na ng kaunti ang issue na 'yon. Paano naman 'yung mga fangirls niya?"

"Hmmm... Oh, sige. I-enjoy mo nalang ang last day ng weekend mo dito sa kwarto mo. Pupunta lang ako sa mall."

I pouted! Mabuti pa 'tong si Adah nakakagala. Hindi takot sa issue. What if kaya lumabas na ako ng bahay? Hindi naman pwedeng lagi akong nakakulong dito.

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon