•Mr. Cold 28•

333 14 13
                                    

Chapter 28



"I missed you too..." I whispered.

Pinalobo ko ang pisnge ko para mawala ang kabang nararamdaman. Tiningan ko si Dheil na nakadukdok parin ang mukha sa armchair. Panigurado talaga ay inaantok siya.

Tumayo ako.

Balak na sanang gisingin siya pero biglang tumaas ang mukha niya at nagulat nang makita ako sa harapan niya.

Nahiya tuloy ako at nag-iwas nang tingin.

Lumunok ako. "N-nakita ko lang na may tao. C-chineck ko lang. H-hindi naman kita pinuntahan dito." pagsisinungaling ko.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. Kaya tumingin ulit ako sa kaniya. Iniayos niya ang buhok niya at hinawi...lalo tuloy siyang uhmm...

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan tong sarili ko tapos nag-iwas ylit nang tingin.

"I texted you," he said at sumandal sa kinauupuan niya.

Nahihiya akong tumango at madaling kinuha ang phone ko. Iniopen ko uyin at binuksan ang messages niya sa akin na ngayon ko lang mababasa.

Thursday

Dheil:

Hey, eat a lot for your health.

Dheil:

You're still in the school?

Dheil:

Take care going home.

Dheil:

How are you?

Dheil:

How's your day?

Dheil:

Happy dinner.

Dheil:

Are you busy? I'm sorry.

Dheil:

Rest so well. Goodnight.

Friday- 10 p.m. - 2:30 a.m.

Dheil:

I'll go back. Maybe next week.

Dheil:

Uyy.

Dheil:

I'm worried.

Dheil:

See you again. Goodmorning.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Nahihiya kaya kinagat ang labi ko. Isa pa ay naiilang ako sa tingin niya. Kanina ay nakangiti pa siya, ngayon ay seryoso ang mukha at nasa cold expression na naman.

Pinilit kong magsalita kahit kaunti lamang ang lumalabas sa bibig ko.

"I-I'm sorry..." yumuko ako. "I d-didn't read them all.." iniangat ko ulit ang tingin ko sa kaniya pero ganon parin ang itsura niya.

Umupo ako sa upuan at patalikod na umupo para makaharap sa kaniya.

"It's my decision..." huminga ako nang malalim. "I need time to think, hindi kita pinapansin o kinakausap dahil nalilito ako. Nahihirapan ako sa paghahanap ng mga rason mo. Nahihirapan ako sa mga pinapakita mo. Sa sinasabi ng iba—"

"They said something to you?" tumaas ang kilay niya at nakakatakot ang seryoso ng boses niya.

"Or they did something to you?" dugtong niya.

Huminga muli ako nang malalim. "Wala silang ginawa..." umiwas ako nang tingin. "M-may nagsabi lang sakin na..."

"Na?" maghihintay niyang tanong.

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon