•Mr. Cold 15•

425 18 5
                                    

Chapter 15

Pagkapasok ko sa room namin ay nilapitan ko kaagad si Adah. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Umiling ako.

Natunaw kasi ying ice cream nung binigay ko na sa kaniya. Hindi siya makaget over kasi mas inuna ko pa raw na makipaglandian kay Dheil.

Hindi ko na nga siya maintindihan ehh. Minsan boto, minsan hindi. Hinayaan ko nalang siya dahil lilimitasyonan ko naman ang sarili ko sa pakikipag-usap sa kaniya.

"Anak ng tokwa! Meron daw quiz!" sigaw nung isa naming kaklase. Si Aby. Kakapasok niya lang at sumigaw siya.

"Haaa?! Kakapasok lang natin ahh, ano yon walang patawad?"

"Ewan ko! Nakasalubong ko si Ma'am Kyla! Nadaan ako sa faculty at sinabi niyang may quiz para daw hindi tayo magreklamo na may surprise quiz!"

Ngumiwi ako sa narinig ko. Kinamot ko ang ulo ko at umupo nalang sa upuan ko.

Binasa ko nalang yung nakuha ko kanina dahil wala rin namang papasok sa utak ko sa lectures ni Ma'am Kyla.

"Patay tayo diyan, Devline!"

Siniko ako ni Sammiel. Tinaasan ko siya ng kilay. "Problema mo? Ha?" maangas na tanong ko.

"Sungit mo dai! Subjects pinag-aaralan natin dito hindi iyang mangaa!" turo niya sa binabasa ko.

"Paki mo ba? Ha? Pakilamero ka rin ehh!"

Tumawa siya. "Ehh bakit hindi ako mangingialam! Akin yan!" sabay hablot niya sa binabasa ko.

I pouted. "Kung saan-saan kasi nakakalat. Malay ko ba!"

Ngumiwi ako at sumandal nalang sa desk ko. Naupo na rin naman ang seatmate ko kaya ngumuso nalang ako. Iyong mga matatalino kong kaklase ay todo review while me? Nakatingin lang ako sa blackboard namin.

Kinuha ko nalang yung notes ko kahit ilang ulit kong binasa ay hindi ko naman din maintindihan. Sinapo ko na ang noo ko, pilit pinapasok sa utak ang mga lessons.

"Ano yan?" tanong naman ni Jacy.

"Eto?" tinuro ang hawak ko at halos hindi makapaniwala na tinatanong niya pa kung ano ito.

"Hindi! Iyang nasa bag mo!"

Tumingin ako sa bag ko. Wala namang nakitang kakaiba don. Kaya kumunot ang noo ko at kinuha iyon. Tiningnan ang loob at nang makitang wala naman na talaga ay humarap ulit.

"Ehh pinaglolo—"

Nasaan na yon?

Nakita ko siyang paupo ng upuan niya kaya naman binalik ko nalang ang tingin ko sa harapan ko.

Nanlaki ang mata ko at may nakitang chocolates!

What?! Secret Admirer ko ba iyong si Jacy?

Kinuha ko yon at mabilis na tinago sa bag. Nakita ko naman na tinitingnan ako ni Adah at nnunukso.

"Uyy! Kita ko yon!" Tinapik ako ni Sammiel sa balikat ko.

Tiningnan ko siya at masamang tiningnan. "Malamang may mata ka! Pero secret lang natin yun, uy!"

Tumawa siya. "Hatian mo ko sa chocolate basta," nagtaas-baba ang kilay niya. Inis ko nalang siyang tiningnan at bumalik na sa ginagawa.

Maya-maya ay pumasok na si Ma'am Kyla. She greeted us and we greeted her too. Monday ngayon at may flag ceremony sana kaso wala daw ang ibang staffs ng faculty dahil may meeting.

"Did Aby tell?"  tanong niya pagkatapos ng lectures.

Tumahimik kami at walang nagsalita. Napag-usapan na huwag nang sabihin pero kawawa naman si Aby kung gano'n.

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon