•Mr. Cold 06•

545 19 0
                                    

Chapter 06

Devline's POV

"Hala! Bakit 'yan ang ginawa mo?!" Kinunutan ko si Adah.

"Baket? Anong problema dito?"

Tinuro ko ang mga pinunit kong mga scratch ko.

"Hindi na naman kasi magagamit 'to!"

Binatukan niya ako nang pagkalakas-lakas. "Aray naman!"

"Reviewer natin 'yan ehh! Ano ng isasagot mo mamaya sa quiz naten? Ang stupida mo talaga kahit kailan!" Naiinis na sabi niya. Inirapan ko lang siya.

"Hindi naman din ako nag-rereview kahit may reviewer pa ako. Pag bagsak, bagsak!"

"Tss! Atleast nga mag-effort ka nalang!"

Nandito kami ngayon sa school. Nagkaroon ng vacant time sa Math namin. Buti nalang at walang teacher. Hindi na kasi ako makapag-focus sa ginagawa ko. Lumulutang na ang isip ko.

"Ba't 'di mo kasi sinabi agad?"

"Anong malay ko kasi. Tsaka, hindi ba't wala namang problema 'don?"

Sinamaan ko siya nang tingin. "Adah, si Daddy 'yon. Ang hirap lumusot. Napaka-mapagmatyag niya."

"Bakit ka naman kinakabahan?"

"Walang kami ni Dheil, okay?"

"Ohh? Talaga?"

Inirapan ko siya. "Wala naman talaga! Bakit mo pa pinipilit?"

Tumawa siya. "Ehh bakit kasi hindi mo magawang kausapin siya ng maayos, ha? Kinausap ka na diba? Ano sabi?"

I sighed. "Sinabi niya na, magpanggap ako bilang girlfriend niya..."

"So common!"

Right, Adah! Hindi ko na alam sa sarili ko bakit ko pa hinahayaan to pero mamaya, kakausapin ko si Bythe para makausap ko si Dheil.

Hindi naman sa namamaraan ako para makausap si Bythe. Gusto ko lang naman talagang kausapin manlang si Dheil.

"Tapos sinabi niyang...mahal pa rin niya si Lyca."

Napahampas sa noo si Adah. "Girl, ang magandang paraan. Layuan mo na si Dheil. Swear! Mawawala 'yang bagabag sa utak mo."

Tumango ako. "Kakausapin ko naman talaga siya ehh....mamaya pupuntahan ko si Bythe para makausap ko si Dheil."

Tumango siya. Maya-maya ay inaya niya ako roon sa nagkakaingay. Sa gym iyon, nakita ko roon ang mga basugalero naming kaklase. Babae ang mga iyon, mga maarte girls nagsasabunutan at base sa sigawan nila pinag-aagawan nila ang isang lalaki.

Sakto namang pagdungaw ko sa knila ay binuhusan ang kaaway na babae ng juice at nasa likuran ako. Umiwas ang babae at sa akin napunta iyon.

"Omyg, Devline!"

"Hoy kayo nga! Nag-aaway kayo dyan nangdadamay pa kayo dyan!" sigaw ni Adah.

Basang-basa ang uniform ko. Aishh! Kasi ang boba boba ko talaga kahit kailan!

"Ehh Adah! Tanga naman kasi iyang si Dev! Malas pa ata at natapunan pa siya!"

"Ehh kung ikaw kaya sa kalagayan niya! Tanga ka pa diyan!" hinawakan ko sa braso si Adah.

"T-tara na nakakahiya lalo, Adah..." napatingin ako sa paligid. Mas lalong dumami ng mga tao at nanunuod hanggang sa mahagip ng mata ko si Bythe kasama ang mga pinsan niya...including Dheil.

Mabilis kong hinila si Adah palayo roon.

"Tss...mga iyon talaga!"

Papunta kami ngayon sa locker para kumuha ng extra uniform ko.

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon