•Mr. Cold 03•

907 24 9
                                    

Chapter 03

"B-byhte... Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Bythe. Ininguso niya ang kotse niya. Taka ko siyang tiningnan.

"Huh?"

"Oo nga, nandito ka para ihatid kami- I mean para ihatid si Devline? Go lang, hindi kita pipigilan. H'wag mo na din ibalik dito- Aray! Naniniko ka diyan?!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kung ano ano ang pinagsasabi! Nakakahiya kaya kay Bythe.

Tumawa si Bythe at ngumiti. "Napadaan kasi ako dito. Nasa kabilang kanto ako galing tapos nakita ko 'tong si Adah kaya naisipan kong isabay na kayo." Aniya.

Ngumiti ng nakaloloko si Adah.

"Kayo nalang! H'wag niyo na akong isabay para masolo ka ni D- Aray! Pangalawa na 'yan ahh!"

Tumawa lang si Bythe sa kagagahan nitong si Adah na wala manlang kahihiyan sa katawan.

"Ahh! Oo nga pala, pinapapunta ka ni Tita sa bahay. Nasabi na siguro ni Dheil ang dahilan."

"Huh? Bakit?" Sabat ni Adah.

T-teka? Nasabi ni Dheil? Wala nga siyang sinabi sa'kin ehh.

Napanguso ako at tumango. "O-oo, sinabi sa'kin ni Dheil. Birthday 'di ba ni Shanna ngayon?" Palihim 'kong kinagat ang labi ko.

Tama ba 'yung sinabi ko?

Paglingon ko kay Bythe nakakunot ang noo nito. "Huh? Tapos na ang birthday ni Shanna. Tsaka, walang may birthday."

Nabuhasan ata ng malamig na tubig ang katawan ko.

>____<

"Gaga ka, napahiya ka tuloy." Bulong ni Adah sa'kin.

"A-ahhh h-hehehe. Oo nga pala, kasi 'yun ang sinabi niya ehh. Pinagloloko ako 'nung lalaking 'yon! Haha!"

Lagot sa'kin 'yung lalaking 'yon!

Haha talaga! Hahampasin ko siya dos por dos!

***

"Anong feeling na mapahiya kay crush?" Sabi ni Adah sa'kin nang makapasok na kami sa room namin.

Si Bythe?

Dinumog ng mga killer clown. Ano armas? Nguso nilang mapula, baba nilang matulis, katawan nilang pwedeng maging kahoy, buhok nilang parang mais.

"H'wag mo nga akong ganyanin Adah!" Naphiya na nga ako kay Bythe tapos 'tong isang 'to natutuwa pa!

"Lah? Inaano kita diyan. Parang nagtatanong lang ehh."

"Tss! Kakainis naman kasing Dheil na 'yan! Walang puso, walang pakialam! Walang kwenta!"

Tumawa ito. "Gaga ka pala ehh, bakit ka nagpahalik?" Umtras ang dila ko sa sinabi niya.

"Gaga ka talaga, masarap ehh!" Sabi niya ng hindi ako sumagot sa tanong niya kanina.

Ang daming alam nitong babaeng 'to! Siya kaya ang nasa puwesto ko!

Biglang sumulpot si Rhean. Siya 'yung partner ko sa report namin para next week. Hay! Buti nalang talaga at hindi ko pa nagagawa, matagal pa nga pala ako!

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon