•Mr. Cold 36• (JHS Night 1)

335 13 1
                                    

Chapter 36

"Half day?" I asked Adah.

Umiling siya. "Walang pasok na raw non kaya may time tayong mag-ayos,"

Isang linggo na rin ang nakalipas at sa susunod na pasok namin or sa susunod na linggo ay JHS Night na namin or Junior High School Night. Ito yung naging bali-balita sa buong school.

Naglalakad kami ngayon sa Hallway. Kaming dalawa lang ni Adah ang magkasama ulit, si Catrice kasi ay absent si Sammiel naman hindi napapalabas ng room kasi hindi p tapos sa lectures.

Typical elementary boi.

"Sa tingin mo, masaya kaya yon?" tanong ko habang ngumunguya ng cheesestick na binili sa canteen.

Cheesetick na mas matigas pa sa ngipin ko. Galit ba yung tindera samin?.

"Mas masaya kung...uhmm," nag-isip pa siya. "kung may jowa ako ron. Kasi iiwan mo ko ron ehh," madrama niyang sabi.

Ngumiwi ako sa kaniya. "Anong iiwan? Walang iwanan kaya!"

"Wala raw pero nang-iiwan. Remember, Dheil will be there too! Edi syempre doon na ang atensyon mo. But don't worry, kasama ko naman si Catrice."

Natawa ako at nahiya. "Hindi ko nga alam kung m-magkikita ba kami ni Dheil."

"Woshoo. Alam mo ang pabebe mo!"

"Whatever,"

One week passed. It's like the old days, papasok sa school. May mga baliw na kaibigan and pabidang classmate. Ang hinihintay na time ay recess pwera sa mga subjects. That's how it works.

Pero feeling ko naman hindi normal yung mga araw na nakalipas na yon!

"Oh, busangot na naman mukha mo? Alam mo, mamaya na ang party baka gusto mo pang mag-back-out nyan ahh?" si Adah habang nilalagyan ng hair gel ang buhok ko.

I sadly put back my phone. "Kasi, isang linggong di nagparamdam..." malungkot na sinabi ko at ngumuso.

"Hinahanp-hanap mo siya ah ahhh~~~" si Catrice na naglalagay ng foundation sa mukha.

"Si Dheil? Aba ghinost ka?" natatawang biro sakin ni Adah. Inirapan ko siya.

"Ewan ko. Yung last na usap namin nung sunday. Paputol-putol pa at may sinabing may emergency daw...sabi ko ayos lang naman sakin pero hindi nagparamdam simula non."

"Naku, hindi mo kasi sinagot baka nagsawa na." pananakot ni Catrice.

"Hindi yan!" nagtinginan ang dalawa at para bang may alam.

"May tinatago ba kayo ha?"

Nag-iwas silang dalawa nang tingin at hindi ako sinagot. Nagkanya-kanya nang ayos.

Pinalobo ko ang pisnge ko. May alam ba tong dalawang to?

I almost ruined my make-up. I can't handle them for a long time lalo na kapag lalagyan na ng make up sa mata. Naiiyak ako!

"Uyy! Baka yung iyak mo na yan ay kasi di na nagpaparamdam si Dheil," si Adah na inaayos ang pilikmata na dinikit niya.

"Hindi ahh!" kinuha ko yung isang pilikmata. "Kailangan ba talaga to? San ba to nakuha? Nagbunot sila ng pilikmata?"

"Gaga, di naman totoo yan."

"Malay ko ba." naisip ko rin naman yung mga extensions din sa buhok at alam ko namang totoong buhok yung iba ron.

"Driver na namin ang maghahatid satin." si Catrice na nagkukulot ng buhok.

Tumango kami. Nagpatuloy nalang kami sa pag-aayos. May hinire naman kaming make-up artists pero hindi rin nakatulong dahil tatlo kami. Natapos na kami sa pag-aayos ngayon naman change na kami for the gown.

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon