•Mr. Cold 18•

377 18 5
                                    

Chapter 18

Nakatitig lang ako sa kisame. Thinking of what Dheil said. Do I need to trust his words and feelings? Hindi niya ba yon ginagawa for the sake of pride dahil para ipakita kay Lyca na nasasaktan siya and for the revenge is to hurt her too?

I don't know.

Ehh? Ako ba?

Crush ko si Bythe... Pero hindi na katulad noon na nagiging desperada ako. Hindi katulad noon na iniisip ko na makipagdeal pa sa Galba'ng yon para lang makuha ang atensyon ni Bythe.

Tinagilid ko ang sarili ko at sinubukang pumikit. Kanina pa ko hindi makatulog ahh! Hirap na hirap na ako. Hindi ata ako makakatulog nang maayos! And for the pete's sake! May pasok pa ko!

Inopen ko yung phone ko at binasa ulit yong text ni Dheil.

Mahuhulog na ba ko?

I slept for almost 4-5 hours, pero ayos na rin yon. Mas nauna pa nga akong maligo kay Adah ehh. Kung dati ay siya pa ang gigising sakin para lang ipaalala na kailangan na naming pumasok.

Nasa baba ako at nagtotoast ng bread. Hindi muna ako nagbihis ng uniform para hindi madumihan. Narinig ko ang mga footsteps ni Adah sa hagdanan. Pababa na siya.

Sinalubong ko siya kaya halos atakihin siya sa gulat.

"Ay, patola!!!" humawak a siya sa dibdib niya.

I laughed. "Shookt ka teh?" dinala ko na sa lamesa yung mga bread.

"Himala! Ang aga mo naman ata!" pumunta siya sa kusina para magluto.

Narinig ko na nagbukas na siya ng kalan. Umupo ako sa lamesa at kinain ang tinapay. Nang makadalawa ay tinigil ko na. Nilapag naman ni Adah yung naluto niya na.

"Ano nakain mo?" tanong niya nang makaupo.

Tinuro ko yung toast bread. Inirapan niya lang ako.

I laughed. "Masama bang maagang magising? Hindi mo na kinailangan na gisingin ako e," kumuha ako ng bacon at egg.

"Ano di ka nakatulog no?" ngumisi siya sakin.

Halata ba sakin? Nag-iwas tuloy ako nang tingin at sinagot siya.

"Maaga lang talaga—"

"Sus! Yang mata mo parang sinuntok ehh! Eyebags pa more!" tinawananniya ako.

Ngumuso ako. "Kasi naman! Hindi ako nakatulog kakaisip...." nangapa ako nang sasabihin tapos siya naman tinitingnan niya ako nang makabuluhan.

"Kakaisip...hmmm? Kay Dheil no!" ngumiti siya nng nakakaloko.

I sighed. "S-sa tingin mo...totoo yung sinasabi niya?"

Ehh bakit naman nageexpect kang totoo? Tanong ko sa sarili ko.

"He's courting you right?"

"Uhmm..." tumango ako.

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Edi pahirapan mo! Don mo malalamn kung totoo!"

Pagkapasok namin sa school ay nakita ko na naman ang mga babaeng tumitingin sa akin nang masama. Noon hindi ko naman sila pinapansin. Sa gate palang nakakatanggap na ako nang ganoong tingin kaya nagtaka naman ako.

Ano na naman bang ginawa koo???

"Hoy!" sigaw ni Sammiel sakin at ngumisi.

"Oh?" binaba ko ang bag ko sa upuan ko. Nakita ko naman si Adah na nagtatanong na sa mga kaklase namin kung anong meron.

"Pumunta dito si Dheil!" tumawa pa siya at ngumiti ang loko!

Bakit naman pumunta siya kung kailan wala ako?

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon