•Mr. Cold 45•

608 11 15
                                    

Author's Note: Thank you guys for reading this, I appreciated your efforts and your supports for reading our story.

Take note: This chapter can damage your brain cells! Charot (napakaspoiler ehh) I would like to say that you need to read the Epilogue (kung want mo lang naman, edi gorabells) I'll also publish the Meet Series#3 entitled. Meeting Mr. Lazaro. I hope you can also read it and support it. 

PS: kaya matagal yung updates kasi mahaba. So, sana maintindihan niyo po hahahaha.

(Fictional and full of typos and grammatical errors)

Chapter 45 (The Last Chapter)

"Huh?! Hospital? Malapit nang maghatinggabi ahhh," si Sammiel.

"please, S-Sammy! Ihatid mo na kami sa h-hospital...please...."

Tumingin siya sakin nnag nagtataka pero tinikom niya ang bibig niya para magtanong pa. Ako lang ang pumunta kila Sammiel para magpahatid. Iyon kasi ang sabi sakin ni Adah para mas safe. Siya naman ay pumunta kila Catrice para ibalita ang nangyari. Tinawagan ko na rin si Kuya Drake kaya ngayon pupunta na ako sa nasabing hospital.

Mabuti nalang at may mga mabab8ait pa na tao despite of what happened accidentally. I immediately call my daddy to tell him what happened.

["What?!]

"Y-yes, dy, I-I-I'll h-hang-up this. I'm sorry,"

Nanginginig ang kamay ko at pinagdarasal na sana walang masamang nangyari kay Dheil. I can't believe this!

"Dev, kumalma ka muna. Ano bang nangyari at pupunta tayo ng hospital??" tanong ni Sammiel habnh nagdadrive.

I can't even talk properly kaya binagalan niya ang pagdrive. "B-bilisan mo! E-emergency, naaksidente si...Dheil!" maluluha kong sabi.

"Si pareng Dheil?! Putcha, ang malas naman nung lalaking yon!" mas binilisn niya ang pagdrive. Hinigpitan ko ng hawak sa rosaryo at nagdasal. Medyo malayo-layo ito sa min kaya mukhang matatagalan kami.

Hindi na ako mapakali at kung ano-ano na ang naiisip ko. Sana naman maayos ang kalagayan niya. Kasalanan ko to. Kung sana kinausap ko nalang siya at inintindi, edi sana hindi na to nangyari! Sana hindi na siya umalis...at naaksidente!

Tinakpan ko ang mukha ko.

"Dev, huwag ka mag-alala maayos yung lagay ni pareng Dheil. Hindi mamatay yung mga masasamang damo katulad ko, kaya kalma ka lang. Papunta natayo ron," tumango ako sa sinabi niya.

Sinubukan kong kumalma. Tinawagan ko na rin si Adah upang magtanong kung ano ba ang balita. Ang sabi niya ay papunta na rin sila. Ganon din naman sila Tita Shiela. Nanginginig ang kamay ko habang nagrereply sa kanila.

["Devline, huwag kang pangunahan nang hindi maganda. Maayos si Dheil, wag kang mag-alala,"] si Adah.

"O-Oo..." pinikit ko ang mata ko at pinigilan ang luha ko.

Chineck ko kung nasaan na kami kaya nung malapit na kami ay halos magtambol at magunahan na yung puso ko sa pagkabog.

"Malapit na tayo, puta, bat naisipan kasing lumayas non?"

Kasalanan ko yun. Kung ano-anong magagandang salita na ang ibinigay sakin ni Sammiel pero nanaig parin sakin yung takot at pangamba para kay Dheil. Hindi ko parin maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano.

"Ayan! Ayan! Hospital!" sabay turo ko sa nakita naming hospital.

"Ibang hospital yan," si Sammiel at sinilip ang hospital. Sumilip din ako at napagtanto na tama nga siya kaya nagpatuloy kami sa paghahanap.

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon