•Mr. Cold 23•

352 16 1
                                    

Chapter 23

"Thank you, Sir."

Kanina pa kami natapos kumain. We're all in the sala and I heard kuya Yuan voice, saying goodbye to my father.

"I hope we can have some time to discuss our business. Mag-ingat ka sa daan, Yuan." tinapik ni daddy ang balikat nito.

"See you soon, Sir. Pagbalik ko sa US, but I think that will take so much time to go back there. Ingat din pa kayo ron. Just like the old times, thank you very much."

Nagsitanguan ang dalawa. Tumingin sa akin si daddy kaya naman mabilis akong tumayo, napagaya na rin si Adah na mukhang pinapanood din at nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Thank you for the time po Kuya Yuan!" I smiled and slightly bowed my head.

"Please come back!" Adah said and giggled.

Naairap nalang ako. She looked at me so happy na tila bang isang achievement yon sa buhay niya. Hinayaan ko nalang siya.

"Drop the 'po' and 'kuya'. I'm not that too old to be called like that," he smiled and patted our hair. "See you again. I need to go. Thank you again, Sir." his last word.

Hinatid siya ni daddy palabas kaya naiwan kaming dalawa ni Adah. She is blushing kaya naman tinawanan kk siya. Para kasing naging mahiyaing babae nang umupo siya. Tiningnan niya pa ko nang masaya.

"He's so ideal man!" she giggled again.

Inimuwestra niya sa akin ang mga daliri niya habang binibilang ang mga compliments na nakikita niya kay kuya Yuan.

"Loyal! Smart! Single-!" I cut her off.

"I think he's not single..." sabi ko at pumunta sa kusina.

Naramdaman ko na sumunod siya sa akin. "How did you know? Sinabi niya ba sayo? Did you asked him?" curious na tanong ni Adah.

Kumuha ako ng baso at tubig sa refrigerator at uminom don. Tiningnan ko si Adah na umupo sa upuan ng counter.

I nodded. "We had some little chitchats." binalik ko tubig at hinugasan ang baso.

"What?! Hala, sana all!" napatayo siya at hinarap ako.

"Ano? Ano sinabi ha? Ano pinagkwentuhan niyo?" she giggled again.

Ngumiwi ako. "Stop acting like that Adah!" she just rolled her eyes. "Kinuwento ko lang yung sa amin ni Dheil, just a little bit hoping that he can understand Dheil-"

"Then?" pagpuputol niya sa kinukwento ko.

Inirapan ko siya. "Patapusin mo muna kasi ko..." I pouted. She just laughed and signed a go signal para magpatuloy akong magkwento.

"Sinabi ko nga na, hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi ni Dheil at pinapakita niya sakin diba..." I bited my lips remembering our moments together.

Pinikit ko tuloy yung mata ko at kinaltok ang ulo ko!

Ahh! Kinikilig ba ko???

I heard Adah's laughed. "Remembering some scenes, huh?" panunukso niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkukwento ko sa nangyari kanina.

Ang dahilan ko kung bakit ko ikinuwento kay Kuya Yuan dahil pakiramdam ko kuya ko siya na pwede kong mapagtanungan ng solusyon sa problema. Medyo suited pa na magkamukha at magkahawig sila ni Dheil but different on personality.

But after all of that...

Naalala ko yung sinabi niyang...

'Just take care everytime and follow your heart.'

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon