•Mr. Cold 37• (JHS Night 2)

296 15 6
                                    

Chapter 37

"Di raw umattend si Dheil," sabi agad ni Adah sakin pagkatapos ng opening.

Tumango ako ng walang gana. Akala niyo lang yon! I even saw him, pero siya pa ang nangirap samin. Ang sungit! Ang attitude!

Wala na siya ngayon. Dahil madilim kanina at konti palang ang tao hindi naman siya napansin at nagsuot agad siya ng mask nang dumadami na ang tao pero I can still recognize him!

Ngayon, hindi ko lang alam kung nasaan siya.

"Nandito siya," sabi ko habang nagsscroll ng phone ko kunyari. Nagtatampo.

"N-nandito siya?" si Adah na mukhang bigo.

"Di nga Dev? San mo nakita ha?" si Catrice na mukhang curious na curious.

Bakit ganyan reaksyon nila huh? Ano naman kung nakita ko siya.

"Doon sa table nila Sammiel kausap sina Jacy. I think he's mad at me! Ehh dapat ako nga ang magalit!"

"Tangnang Jacy pahamak." napasapo sila sa noo.

"Bakit ba? Anong problema don? Buti nga nakita ko si Dheil but he's too attitude this night," masamang loob kong sabi.

Umiling si Catrice. "W-wala lang," binulungan niya si Adah na ngayon ay mukhang may katext.

"May tinatago ba talaga kayo sakin?" seryoso kong tanong sa kanila.

Tumingin sakin si Adah at pinakita ang pagmumukha ni Sammiel don. "Makulit sa chat at inaasar kaya tinanong ko na. Ang sabi, u-umuwi na rin naman daw." si Adah na nag-iwas nang tingin din.

Tumango nalang ako walang gana for everything.

Nakasandal ako sa upuan. Listening and watching for the performance of every sections. Ni hindi ko na nga magawang isupport yung section namin sa sobrang pagkabagot ko rito.

Everytime I always checked my phone! Hindi pa rin nagparamdam. Anong ganap niya kanina at nagpakita pa siya sakin?

"Hindi. Hindi ako marupok," sagot ko.

Nabilaukan si Adah. "Tangina nabingi ata ko. Hindi ka marupok?!" inulit niya ulit ang tanong niya.

"Hindi nga! Hindi! Kahit anong gawin niya. Bahala siya!"

"Di ka sure," si Catrice na nakatingin sa phone niya habang nakangiti.

Nainis ako sa kanilang dalawa sa pang-aasar nila sakin pero tinawanan lang ako ng dalawa.

"Don't say anything for now. Baka magsisi ka," pagpaparinig ni Adah.

"Basta hindi ako marupok!" sabi ko nalang at pinaglaruan yubg tissue.

May nagpeperform ngayon na ibang sections. Tapos na yung amin, pagkatapos nito ay kainan na. Tapos banda, tsaka open na yung floor para sa sayawan.

"Aww, kawawa naman yon." bulong ni Catrice pero narinig ko naman.

Hindi ko nalang pinansin at sinubukang manood ng performances. May mga sumayaw at kumanta. Samin kasi ay kanta pero hindi ako nagparticipate dahil for the past few days ay wala ako sa mood.

Sina Adah at Catrice ay nagpipicture at nagvivideo na.

"Hi guys! Welcome to my vlog, and for today's vlog is our...." nilapit niya ang camera saming dalawa ni Adah. "...Highschool night! Yeheyy!" tumawa siya at tinutok ang camera sakin.

"Wag mo ko sama nakakahiya," sabi ko habang nagtatago kay Adah.

Maya-maya ay bumalik sila Janelle, Hannah, at Angela na pumunta ng CR. Sila pa yung iba naming kasama sa table. Classmates namin sila pero hindi kasi kami masyadong close pero nag-uusap-usap naman kami ngayon.

Meeting Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon