Chapter Thirteen -Iniwan niyo ako!!-

34 0 0
                                    

Lumalakad ako ngayon sa campus at di ko alam kung saan ako pupunta. Pag ring ng dismissal bell for second period kanina, tumakbo palabas si Paige at Bianca. Saan sila pumunta? Di ko alam. Pag labas ko sa classroom, nakita ko rin sina Andrew, Nash, Scott, Gabriel at Tim tumatakbo. May fun run ba?

Tini-text ko silang dalawa at hindi talaga nag re-reply. Pumasok ako sa banyo at biglang lumabas dahil nakita ko si Sadie and mga friends nya nasa loob. Wait, kanina pa sila dyan ah? Nang dumaan ako for my second 'roaming around di alam ang pupuntahan' nakita ko sila dun.

Of course. Nagpapaganda na naman. Maka pag makeup akala mo may prom silang pupuntahan. And ang init ng panahon ngayon para mag lagay ng makapal na makeup -___-'

Dumaan ako sa may library and na remember ko na may test pala kami mamaya sa physics. NOOOO!>_<

Nakita ko Dylan na naka lean sa table sa may puno kung saan nakita ko sila ng first day of school nag ce-celebrate ng "welcome back" niya and mukha siyang lost while nag da-dial sa phone nya.

Yumoko ako then lumakad ng mabilis.

Narinig ko ang sabi ni Dylan na, "what? You all just left me here? San ba kayo ngayon? Mall? Oh alright NAG PA MALL KAYO AND INIWAN NYO AKO?! Sino kasama nyu ba't may boses ng babae dyan?"

So iniwan din siya pala ng mga friends niya. I feel you, boy.

"Kasama niyo si Paige and Bianca?" napahinto ako sa pag lalakad dahil, BISH WHET? INIWAN AKO NG DALAWANG MUKONG YUN AND MAGKASAMA PA SILA NG MGA FRIENDS NI DYLAN? Yeah right thanks I love you friends.

Nilapitan ko si Dylan pero hindi niya ako nakita dahil nasa likod niya ako. Obvious naman kasi nasa likod ka of course di ka makikita. I tapped his left shoulder then humarap sya sakin while talking sa phone niya. "kayo lang? eh nasan si Ta---" napatigil siya sa sinasabi niya ng nakita niya ako. "-lwyn."

"Mag kasama daw sila? Ni Paige and Bianca?"

"Yes. Yup, Talwyn's here. She looks so lost din like I am when hindi ko alam kung asan kayo!" sabi niya sa phone niya.

"hey can I talk to...kung sino man yan ang kinakausap mo?" he nodded and binigay niya sakin ang phone niya. Nakita ko ang name na Gabriel sa phone niya. "Hello?"

"Hi Tal! Musta ka na dyan? Buhay pa ba? Hahahaha" ay? Narinig ko ang mga tawa nila then "si Talwyn ba yan? Oh my gosh. Pa talk." Rinig kong sabi ni Paige. No need to tell Gab na gusto kong makausap si Bianca or Paige then.

"hello? Tal, oh my gosh im so sorry im so so---"

"save it! Ba't nyo ako iniwan ditto? And alam nyo naman diba na wala akong sasakyan para pumunta dyan? I walk every day. Di nyo lang ba na isip yun?" sabi ko sa kanya. Seriously? Hindi dahil lumalakad ako every day from our house papunta ng school, kakayanin ko ang pag lalakad from school to mall. Ang layo kaya ng mall.

"I---*cough* oh okay. im still very sorry Tal. Di na talaga ma uulit but! Magkasama naman kayo ni Dylan eh! Pupunta naman sya dito e wait kayo namin sa food court! Promise na talaga yan. Promise."

"pupunta ka sa mall ngayon?" tanong k okay Dylan.

"yeah" sabi niya.

"see?! Pupunta sya dito so sabay na kayo! Okay so alis na ako bye! Ingat kayo! Ingat kayong dalawa! Ahehehe-" then pinatay niya. Tinignan ko ang phone to make sure and sure enough, pinatay niya nga ang call. "Ay pinatay."

"Looks like it." Sabi ni Dylan then kinuha niya phone niya then nilagay sa bulsa niya.

"Come on. May pupuntahan tayo."

Better than Perfect (Period No Erase)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon