Chapter 22 - "My other half"

36 0 0
                                    

Chapter 22

“Inday!! Gising na baka ma late ka na!!” rinig ko ang sigaw ni Ate Crissy sa labas ng kwarto ko.

“Oo na eto na.” sabi ko.

Pag tayo ko, nakita ko mukha ko sa mirror. Wow ganda naman. May tomato ba sa mga mata mo? Laki ah!

“umalis na po ba si Jareth?” sigaw ko.

“oo! Kanina pa! may assignments eh! Kaya maagang umalis kasi susunod pa daw siya ng assignment sa kaibigan niya! AHAHAH.” Sigaw din ni ate crissy.

Of course. Di naman gumagawa ng assignments non eh. Mabuti na lang yung project namin----

Shit. Stop. Wag isipin. Wag isipin.

Na alala ko ang sabi ni Daddy at Mommy kagabe.

“They said na babalik daw yung memory mo sa tamang panahon.”

“if someone, or something makaka trigger ng memory mo, dyan na daw mag sisimula na babalik lahat. Even a little thing or words, babalik daw yan. Pinipili lang ng brain mo kung ano. Parang magnet words or thing ba. Sabihin mo lang then parang lahat ng memory babalik sayo.”

Sana nga mangyari yan. And I want to meet this Cameron guy.

A few minutes later, natapos na rin ako sa aayos ng sarili ko then pumunta na ako ng school.

Dahil sa wala akong energy lumakad, nag car ako.

Pag dating ko sa school parking lot, nakita ko ang dalawa kung best friends at mga barkada ni Dylan. wala pa si Dylan. san na sya kaya?

Pag labas ko ng car, nakita ako ni Bianca and sumigaw siya ng, “hallelujah! Nag car ka! At di umu-ulan!”

Kinuha ko ang rayban ko na brown and sinu-ot ko. Namumula pa kasi mata ko sa kakaiyak kahapon.

“okay ka lang ba? Ba’t ka na ka shades?” tanong ni Tim.

“wala. Ang init lang kasi.” Sabi ko. At ma init naman talaga eh.

“hmmmmm. Ba’t ka pala nawala kahapon? Ang san ka nahanap ni Dylan?” tanong ni Nash.

“oh. Dyan lang. and wala masama lang pakiramdam ko kahapon.” Sabi ko sa kanila.

“He’s here.” Sabi ni Scott.

Nakita ko na nag papark ng sasakyan si Dylan sa tabi ng car ko and bumaba siya.

“nice. Nag car ka na?” sabi ni Dylan sakin.

“yan rin nga sabi namin sa kanya eh!” sabi ni Andrew.

Naka shades din si Dylan pero sa kanya ay black and box ang frame.

“Bakit naka glasses kayo ngayon? Sa plano ba to? Sana sinabihan niyo man lang kami para nag dala rin kami!” sabi ni Scott.

Di siya pinansin ni Dylan pero nilapitan ako ni Dylan and nag ask, “you okay?”

Melt… melt… my heart. be still my heart.

“Yeah.”

“hmmmm. Nalimutan mo pala si Mr. DY-WYN sa car ko kahapon. Total may car ka naman, e transfer na siya natin.”

Gasp!!!! Uo nga pala!!! Yung teddy bear ko!

“uo nga pala! Damn nalimutan ko siya kahapon L tara na.”

Umalis kami ni Dylan then pumunta sa car niya.

Binuksan ni Dylan ang backseat then kinuha si Mr. DY-WYN.

Better than Perfect (Period No Erase)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon