" You may not be pushing me away but you're not fighting to keep me Either "
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HER POV
KNOCK! KNOCK!
Napatingin ako sa pintuan ko dahil sa narinig kong katok sa pinto pero hindi ako nag abalang pagbuksan ito
unti unti nitong binuksan ang pintuan at nang makita ako nito ay napatingin siya sa mga braso at sa muka na may gasgas at sugat ko
Kita sa muka nito ang pag alala at galit sa mga nakikita niya ngayon
" Ok ka lang ba ? " Nag aalalang tanong ng lalaking nakatayo malapit sa aking pintuan matapos niyang buksan ang pintuan ko
Imbis na sagutin ang tanong niya ay isang malamig na tingin lang ang sagot na binigay ko sa kanya
Ilang beses na ba niyang tinanong ang tanong na iyan hindi ba siya nagsasawang itanong yan dahil ako sawang sawa na ang sakit na ng tenga ko sa tanong na iyan
Nagpapantig na talaga" Papasok ka ba ngayong Ey ?" Malungkot tanong nito sakin habang nakayuko
Halatang nasaktan siya sa ginawa pero anong magagawa ko ito ako
Ito ako ngayon hindi na ako ang Ey na nakilala nila noon ito na ang buhay ko ngayon
Tumango ako ng dalawang beses bilang pagsagot sa tanong niya
Hindi ba halata sa suot kong uniform ngayon na papasok ako
STUPID !
Wondering kong kanino sya nagmana Imposibleng kina Mommy or Daddy dahil hindi naman sila tanga siguro nagkamali yung Nurse -_- baka hindi talaga sya yung kapatid ko
Siguro kung naririnig niya ang mga iniisip ko ngayon sigurado akong mag wawala siya kakaiyak at magiging isip bata na naman
" Ganun ba sige aalis na ako para makapaghanda kana sorry kung wala akong nagawa sa mga babaeng gumawa niyan sayo ayaw mo kasi akong palapitin sa inyo pero wag ka mag alala gagawa ako ng paraan para makaganti sa kanila " Mapaklang ngiti nito habang nakatingin sa mga braso ko at sa maliit na sugat sa muka ko
akmang aalis na sya ng marinig ko ang binatawan nyang salita na ikinakunot ng aking noo
'Kelan ko kaya ulit makikita ang ngiti mo namimiss ko na ang dating ikaw Ey Namimiss na kita'
NGITI ?
Hindi ko alam hindi ko alam kung kelan
Marahil hindi na sisilay ang ngiti sa labi ko unless makita ko sya at makaganti ako sa ginawa niya
Hangga't di ako nakakaganti sa kanya hinding hindi ako magiging masaya sya ang sumira sakin kaya sisirain ko din kung anong meron sya sisirain ko lahat lahat ng nasa kanya magsisi syang binuhay pa niya ang batang babaeng musmos noon magbababayad Siya ! Hinding hindi ko sya mapapatawad
buhay ang kinuha nya kaya buhay din ang sisingilin ko sa kanya kahit saan syang lunga magtago hahanapin ko sya buhay man sya o patay na Hinding hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya
napatigil ako sa pag iisip ko ng madinig kong isinara na nya ang pinto
Sa pag iisip nakalimutan ko na andito pala ang asungot kung kapatid at dahil na rin sa pag iisip ko ngayon ko lang napansin na nagdudugo na rin pala ang kamay ko dahil sa nadiinan ko ang sugat ko sa galit ko na nararamdaman ko
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster: Death Eye Princess
Mystery / ThrillerWARNING: This Book Contains some ad Words -No Parts at this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopy recording or by any information storage and retrieval system without written...