CHAPTER 26: DOTA

9.7K 194 9
                                    

Isang linggo ang lumipas simula nung nangyari ang gulong 'yun at araw-araw din akong nakakatanggap ng sulat at ang laging nakasulat dun ay

'this is not the end RBDK!'

Alam na rin nila kuya 'yun dahil minsan sa bahay nagpapadala

Minsan sa bahay nila Aj

Yung nagpapadala nito mukhang alam nya na kami ang hinahanap nila.

Kaya naman lagi kaming handa sa mga bagay bagay na pwedeng mangyari.

Araw-araw din akong nililigawan ni Dyrlle kupal katulad na lang 'yung ginawa niya kagabi nung hinatid nya ako sa condo ko.

Nambwisit lang sya sakin.


[ FLASHBACK ]

"Airam gusto mo ng keychain?" sabay abot niya nung keychain na green

"Ang cute!" ako

Pag green talaga mabilis lang akong macute-an

Tiningnan ko yung design at kung ano ang nakasulat

I'm your prince.

yan 'yung nakalagay

"Cute talaga Basta lagi mong tatandaan, kahit wala ako sa tabi mo tingnan mo lang yang keychain parang malapit pa rin  ako sayo" seryoso niyang sabi pero kalaunan ay ngumiti na rin.

Matagal na rin niya akong pinakikisamahan

Sa moody kong ugali iniintindi nya ako at kinakampihan pa

"Impress me always baka sakaling mahulog na ako sayo," ako

"Alam mo nung una kitang nakita nasabi ko sa sarili ko na kalaban kita pero mas narealize kong mas mahal pala kita kaysa sa rank na ipinaglalaban ko noon Pero ngayon nasabi ko na lang sa sarili ko na I can be your angel 'till the end Gusto kong mapatawa kita kahit alam kong mahirap pero kakayanin ko Life is too short kaya gusto ko tumawa ka at ngumiti ka para malaman mo kung paano maging masaya kahit huli na Gusto kong maranasan na maging Bata ka kahit matanda ka na kasi para sa akin if you smiled before why don't you smile today and smile tomorrow?

Hindi mahal ang pagtawa

Sa katunayan nga libre lang iyon

Hindi ko alam kung paano kita nagustuhan

Di naman ikaw yung mga tipo kong babae

Ang gusto ko kasi yung gangster din para maipagtanggol nya sarili nya pag wala ako sa tabi nya pero ikaw ninakaw mo na nga yung isip ko, pati ba naman puso ko?

Hindi ka gangster kaya ako ang poprotekta sayo kaya pag wala ako sa tabi mo tawagan mo lang ako darating agad ako wala pang isang minuto andyan na ako kaagad sa tabi mo I will protect you 'till the end at sisiguraduhin kong hindi ako mamamatay dahil papakasalan pa kita" mahabang sabi nito ni Dyrlle.

Napakaseryoso ng boses niya pero ramdam mo yung pagmamahal sa bawat bigkas niya ng salita.

'Yung tibok ng puso ko hindi na normal katulad kanina.

Feeling ko namumula na nang sobra ang mukha ko at feeling ko rin unti-unti nang kumakawala sa dibdib ko ang puso ko.

Pero napangiti ako sa sinabi nya. He'll protect me pero 'di siya mamamatay haha.

Hindi mo alam Dyrlle

Gangster din ako tulad mo

Kaya kong protektahan ang sarili ko at pwede rin kitang protektahan dahil alam ko lahat ng malapit sa akin ay pupuntiryahin nila

The Legendary Gangster: Death Eye PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon