"I know that I will never find my father in any other man who comes into my life, because it is a void in my life that can only be filled by him."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KRISSA's POV.
BROOM!
BROOM!
Pagpapaandar ng sasakyan namin. Pinihit ni Prince ang kamay ko at iniyakap sa kaniya na ikinabigla ko.
"Kumapit ka ng maayos, lilipad tayo. Haha, joke lang." pabirong sabi ni Prince sa akin.
OMG! Kamukha niya si..
"Lucas?" gulat na tanong ko sa kanya na syang ikinagulat din niya pero nabawi rin ito.
"Keen observer ka pala. Yes ako nga. Pwede bang huwag mong ipaalam sa iba ang lihim namin?" nag-aalang sabi ni Lucas.
"I'll promise." sabi ko.
Napangiti naman siya sa sinabi ko.
Salamat talaga.
Masaya ako sa pagkakaligtas ng mommy ko.
Teka ba't ba parang may malagkit sa kamay ko? Inalis ko ang isa kong kamay sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan kung ano ang malagkit na nararamdaman ko sa kamay ko.
O_O > ako
D-Dugo..
B-Ba't m-may d-dugo teka kay Lucas bang dugo ito?
Nakaramdam naman ako ng pagkataranta sa katawan ko.
Okay lang ba sya?
'Sorry, sorry dahil nadamay kayo dahil samin,' gusto kong sabihin 'yun sa kanya kaso nahihilo ako pero pinipilit kong huwag makatulog.
"Nandito na tayo," gising sa akin ni Lucas. Nakatulog pala ako?
Inalalayanan naman ako nito makapasok sa condo niya.
"Ligtas na kayo kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala pa," nakangiting sabi ni Lucas sakin na siyang nagpangiti rin sa akin.
Everything turned into darkness.
EY's POV.
Nandito na kami sa condo ni kuya El.
Nakita naman namin siyang inaalalayan si Krissa papasok.
Ang mommy naman ni Krissa ay inihiga na doon sa kwarto ni Kuya.
"Salamat talaga sa niyo, pwede na kayong umalis," sabi ko.
"Ay grabe siya, pinapaalis mo na agad kami," nakangusong sabi nito.
"Oo kaya alis na." sabi kong muli.
Napailing na lang sila at umalis na rin.
Kasabay naman nun ang paggising ng mommy ni Krissa.
Inalalayan ko naman itong umupo.
"Hija, kumusta na kayo? Nasaktan ba kayo? Anong pangalan niyo? Pati na rin 'yung lalaking nagbabantay sa anak ko? Teka paano niyo ba nagawa 'yung kanina? Hindi ba man lang kayo natakot sa ginawa niyo?" Sunod-sunod na tanong ng Mama ni Krissa.
Okay, mukhang alam ko na kung kanino siya nagmana 'e mas malala pa sa armalite ang nanay ni Krissa dinaig pa si Glock 9 mag-rap.
"Nay, hindi po kami yung nagligtas sa inyo, 'yung mga kaibigan po namin. By the way po, ako nga po pala si Alyn Jane but you can call me Aj for short po tapos po sya si Airam Izzy-Reign naman siya," pakilala niya sabay turo sa akin. "Ey na lang po ang itawag niyo sa kanya para mas maiksi at yung lalaking nagbabantay naman po sa anak niyo ay kakambal po ni Ey, siya po si kuya Lucas Ed-Nielle pero El nalang po itawag niyo rin po sa kanya. 'Yung mga nagligtas po sa inyo ay mga ganster din po at walang kinatatakutan ang mga iyon kaya wag po kayong mag-alala pansamantagal po muna kayong maninirahan dito sa condo ni El para na rin po sa kaligtasan niyo," mahabang paliwanag ni Aj.
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster: Death Eye Princess
Mystery / ThrillerWARNING: This Book Contains some ad Words -No Parts at this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopy recording or by any information storage and retrieval system without written...