CHAPTER 15 New President of Park Corporation

10K 201 6
                                    

LAILA's POV.

Natapos na ang commercial shoot ni ma-- este Ey pala.

Ang sarap talaga sa pakiramdam na 'yung idol mo mabait pala talaga na akala ng karamihan ay masungit pero madami pa ring sumusuporta sa kanya.

Hinatid na namin siya sa house nila sa Hongkong St. Nakatulog kasi siya sa sobrang pagod siguro. Mahirap pala talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Paano pa kaya siya 'no?

Nakapunta na kami sa bahay nila kaya ginising ko na siya.

"Ey nandito na tayo," tawag ko sa kaniya.

"Ay sorry nakatulog pala ako," aniya at bumaba na.

"Pahatid na po siya kuya sa bahay nila," dugtong niya.

Napangiti ako. Ang cute niyang magsalita. 

Pinaandar naman ni kuya manong yung kotse at hinatid na ako sa bahay namin.

[ EY's POV. ]

Nandito na pala ako pero hindi sa bahay namin kundi sa bahay ni mommy kaya pagkaalis nila 'e umuwi na ako sa bahay namin nila kuya sa Korea Street. Nakashade naman ako para walang makakilala sakin.

Pumasok naman ako sa loob ng bahay.

Mukhang may bisita kami ah? May ibang kotse sa garahe 'e.

Pumasok na ako.

"Oh! nandyan ka na pala. May bisita pala kayo ni El, nandoon sa sala, ayaw magpakilala sakin." Krissa.

Bisita? Sino naman 'yun?

"Oh baby, nandito ka na pala. Akin na 'yang gamit mo ako na magdadala w--" napahinto naman si kuya sa sinasabi niya.

"Good evening Ms. President and Mr. Vice president, I know po na nasabi na ni Ma'am Park na kayo na po ang magmamanage ng Park Company." sabi nung babaeng bisita namin.

'Di ko siya feel. Ayoko sa kaniya.  Iba ang nararamdaman ko sa kanya.

Si kuya naman gulat sa narinig niya. Malamang 'di ko pa sinasabi.  Naman Ey! 'Wag t*nga!

Napatingin na lang sakin si kuya pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

Iba talaga nasesense ko rito sa babae na 'to. Masyadong malansa.

"By the way Maam, I'm the secretary of Mrs. Park." sabi nito.

"Yeah we know, so what brings you here?" I asked in a cold voice.

'Di talaga maganda ang kutob ko dito sa babae na 'to.

"Ah miss President, may I ask lang po kung makakapasok kayo bukas with our vice president? By the way I'm---" 'di ko siya pinatapos magsalita dahil 'di ko naman tinatanong kung sino sya nag papacute pa kay kuya gusto mo ipako kita kasama ni kastry!

"I'm not asking your name. Papasok kami." ako.

Bigla namang nag-iba yung itsura niya pero agad ding nawala kasi nagpacute na naman kay kuya El. Tss, may Krissa na 'yan.

"Sorry po!" paumanhin niya.

"I need some documents about the background of all employees including the investors of that company. I want that document to be submitted tomorrow morning," seryosong sabi ko.

Kailangan kong kilalanin ang mga nagtatrabaho sa'kin. Baka naman mamaya sila pa pala ang dahilan ng problemang sinasabi ni mommy.

"Okay ma'am," sagot niya.

The Legendary Gangster: Death Eye PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon