EY's POV.
"Ah Dyrlle, una na 'ko. 'Yung kamay ko," sabi ko sabay tanggal ng kamay ko sa kamay niya.
"Hatid na kita," alok niya.
Huh? Hindi pwede yun 'no. Mas lalong lalala ang mangyayari nito sakin bukas dahil dudumugin ako ng mga taong head over heals sayo. Gunggong ka talagang lalake ka.
Hindi ako nag-aalala para sa sarili ko, nag-aalala ako sa mga taong gagawa sakin nun. Mahirap na baka malaman niya na binubully ako dito, baka makapatay yun at isa pa, sanay na ako sa mga ginagawa nila pero paano kung 'di ako makapagtimpi? At saka.. basta sana naman 'wag mangyari yun.
"Huh? Hindi 'wag na! Sige bye!" paalam ko tsaka tumakbo papalayo, palabas ng campus. Sa gilid lang ako dumaan para walang makapansin sakin at baka kuyugin ako ng malalanding tao sa paligid.
(1 message received)
from: TWIN El.
[Car park with Aj. Explain this.]
Nang mabasa ko ang text ni Kuya, bigla akong nakaramdam ng kaba. nagiging tao na naman siya.
Nagiging big boy na naman ang kambal ko. Minsan lang siya mag seryoso pero basta bigla na lang siyang nag-iibang anyo. Parang sinaniban ng masamang spirit tapos ginagawa siyang masama. Basta intindihin niyo na lang.
Dumiretso na ako dun para pumunta na kami ng company namin. Nung nireview ko kagabi yung mga details ng company ni mommy, parang may mali kasi bumababa ang perang nacoconsume namin dito. Nangutang na rin pala ang company ni mommy sa company ni daddy na kahapon ko lang nalaman pero ang nakakapagtaka, hindi nababawasan ang mga mamimili bagkus ay nadaragdagan pa ito.
Nakakapagtaka lang. May majikang nangyayari sa loob ng company.
Everything's set. Naghahanap na lang ako ng evidence. Alam ko na rin kung sino ang nagnanakaw kaya naman may kinausap na rin akong pulis para kung sakaling magalit man ako at sumabog ang pasensya sa mga magnanakaw na yun dahil sa ginawa nila, mas mabuting ipahuli ko na lang sila kaysa tanggalan ng kamay.
Akala niyo lang talaga tamad ako pero pag about sa business, masipag ako.
Ako mismo ang nangangalap ng mga importanteng impormasyon na pwedeng maging dahilan kung bakit nalulugi ang kumpanya ni mommy.
Nakarating na ako ng car park at nakita ko sina kuya at Aj na nakatayo sa magkaibang pwesto. Baka may makakita sa kanila pag magkasama sila.
Tumingin ako sa paligid ko. Napansin ko rin na ganun din ang ginagawa nila. Tinitingnan nila kung walang taong makakakita samin, baka kasi mapagkamalan kami. Alam mo naman sa school na ito puno ng mapanghusgang mata.
"Tara na!" aya ko.
"Saan tayo?" tanong ni Aj habang tinatanggal ang salamin nya. Ganun din ang ginawa ko upang mabilis kaming makilala ng nagtatrabaho roon.
"Sa company namin." aniya kay Aj bago tumingin sa akin, "Ikaw Ey may paholding-holding hands ka pang nalalaman. Hakot audience! Ano na lang gagawin ng bruhang clown na mga babaeng umaaligid sa lalakeng yun? Baka masaktan ka na naman sa pinaggagawa mo. Hindi ka ba nag-iisip?" sermon ng pari este ni kuya El.
See? Nagiging tao talaga siya. Nakakapagtaka, saan kaya napunta yung totoong kapatid ko?
"Wag ako ang sisihin mo. Yung gunggong na lalaking yun ang pagalitan mo. Nananahimik ako tapos hahawakan niya kamay ko. Durugin mo ulo niya bukas." iritang sabi ko.
"Hindi lang pagdurog ang gagawin ko sa ulo niya, gagawin kong giniling ang buong katawan niya." galit na galit na sabi niya.
G na G, akala mo sya mahihirapan bukas. ,--
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster: Death Eye Princess
Mystery / ThrillerWARNING: This Book Contains some ad Words -No Parts at this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopy recording or by any information storage and retrieval system without written...