CHAPTER 46 Part 1: She's Alive

6.8K 129 4
                                    


Ilang buwan

ilang buwan na ang lumipas

Ilang buwan na rin akong palihim na nasasaktan sa tuwing maalala ko ang lahat nang nangyari noon nang dahil sa isang pagkakamali

Ang kaisa isang Girlfriend ko na sineryoso ko at pinatay ko

maraming nag bago akin sa loob nang ilang buwan Bumababa na ang mga grades ko na syang isa sa ikinagagalit nang Reyna kung Ina-Inahan Mas maigi pa si daddy dahil naiintindihan nya ako hindi ko naman sya sinisisi sa mga nangyayari sakin ngayon  hindi ako galit sa kanya dahil mas galit ako sa sarili ko dahil pinabayaan ko sya

Nakakalungkot isipin na ako parin ang sinisisi ni Aj at Nissa sa pag kawala ni Airam

Hindi ko naman alam yun tsaka hindi ko rin naman ginustong mangyari sa kanya yun alam nila kung gaano ko kamahal si Airam

" Pre tama na yan puro ka nalang inom puro ka alak may shoot ka mamaya diba ? Kung buhay si Airam sigurado akong puro bukol kana ngayon " Heather
Mali ka Heather kung Buhay siya hindi sana ako ganito na nagpapakalulong sa alak

tama kayo nang iniisip ito ako umiinom naalala ko na naman kasi sya Naaalala ko yung mga araw na masaya naming pinagsaluhan
kung kaya ko lang sigurong ibalik ang panahon nung nabubuhay pa sya gagawin ko ang lahat wag lang sya masaktan ayokong alalahanin ang lahat nang nangyari pero hindi ko kaya dahil inuusig ako nang konsensya ko at nang puso ko pakiramdam ko nga minsan andyan lang sya sa tabi tabi na babalik sya sakin

Martir ba ?

Ok lang tawagin nyo akong martir

dahil parang ganun na naman talaga wala akong pakelam sa sasabihin nang iba nag mahal lang ako at yun na yun

Hanggang ngayon din hindi ko pa rin alam kung san sya nailibing halos lahat nang memorial pinahanap ko ang puntod nya pero wala parin deserve ko naman ang masaktan karma na siguro ito sakin sa lahat nang mga kalokohang ginawa ko sa ibang tao

" Bro ? "

" Tol ? "

" Pre ? "

Hindi naman siguro nila pinag usapan mag sabay sabay diba ?

" Hmm ? " ako

" Hindi ba tayo papasok ulit ? " Tanung ni jack
Bakit sa akin nila tinatanong yung pagpasok nila Na saakin ba yung bag nila Tss

Hindi ko sila sinagot at pinagpatuloy ko lang ang pag inom

" Hindi ka ba papasok " Pangungulit ni Heather

" Hindi " diretso ko nang sabi sa kanila

" Okey " Malungkot nilang Sabi

nag si puntahan na naman sila sa theater room ko ayan naman ang gawain nila simula nung hindi na kami pumasok at simula nang biglaang pag liban nung mga Girlfriend nila pero si captain ? hindi na rin pumasok simula nung tumawag siya kay Aj

Noon hindi ko nga alam kung bakit
Nung una nagseselos ako dahil siya ang tinakbuhan niya at huling nakita niya bago siya mawala
Buti pa siya alam niya ang kalagayan ng Girlfriend ko ako Hindi Napakaraming tanong ang pumapasok sa Utak ko kung bakit sila Close

Sobrang Close

" Tol tara nood muna tayo bago tong tape na binili namin kanina " tawag sakin ni Edward

pumunta na rin ako sa theater room at umupo

tahimik lang namin pinanuod ang palabas hanggang sa matapos yun

" Nga pala mga Bro Mag papaalam sana ako sa inyo dahil next week aalis na ako " pambabasag sa katahimikan ni Heather

" Saan punta Tol ? " Tanung ni Jack

The Legendary Gangster: Death Eye PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon