CHAPTER 20: Bubbles

9.9K 215 10
                                    


[ DYRLLE's POV. ]

"Matunaw naman ako niyan," nakangising sabi ko.

Sabi ko na, nagagwapuhan din siya sakin.

"I'm just wondering if where your sister is," sabi nito sa'kin na may pagtataka.

Halos matumba ako sa kinauupuan ko dahil si Madeline lang pala ang dahilan ng pagtingin niya sa akin ng matagal.

Tss, pakipot pa.

"She's with my Dad," dismayadong sagot ko at saka ko pinagpatuloy ang pagkain.

"K," sya.

Umiwas ako ng tingin na kunwari 'di ko sya nakikita. Buti na lang pala may salamin dito at 'dun ko sya tiningnan ng walang alinlangan.

Sa pagtyaga kong pagtingin sa kanya, kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Halos mataranta ako nang may nakita akong parang kislap sa gilid ng kanyang mga mata.

Luha.

'Yan ang nakita kong kumikinang sa mata niya.

Halos hindi ko alam ang gagawin ko nang makita kong tuluyan na itong bumagsak patungo sa kanyang pisngi.

Pero agad syang natauhan at pinunasan ito.

Napatingin siya sakin pero nagkunwari akong kumakain at walang alam.

Ramdam ko na ayaw niyang ipakita sa iba na umiiyak siya at nakakaramdam ng lungkot.

Kung alam mo lang kung gaano ako nahihirapan na makita kang ganyan.

Gusto ko ako ang magpahid ng luha mo.

Ako yung iiyakan mo,

Ako yung sasandalan mo.

Gusto na talaga kita, walang halong biro o panloloko man.

Alam kong may ibang babae na akong pinangakuan at may unang babaeng minahal pero iba talaga yung nararamdaman ko.

Katulad na katulad ng nararamdaman ko kay Princess.

Muli ko siyang sinilip pero nakatingin pa rin siya sakin.

Parang inuusisa nito kung nakita ko ba o hindi ang ginawa nya kanina. Kaya naman para maiba ang atmosphere sa paligid namin ay kunwari ko siyang paghuhugasin.

"Ikaw mag hugas," pagbibiro ko dito.

"Huh?" gulat na tanong niya sakin.

Makikita mo sa mukha niya na para syang pinagbagsakan ng langit at lupa nang sabihin ko ang katagang iyon.

"Don't tell me 'di marunong maghugas ang isang scholar?" natatawa kong sabi.

"Okay then, I won't tell you." tamlay na sabi nito.

Halos mawalan ako ng ulirat nang sabihin niya iyon.

"Seriously?" seryoso kong tanong.

"Kasamaang palad." malamig na tugon nito.

"Basta ikaw maghuhugas. Halika dito, tuturuan kita." sabi ko sabay hatak sa kanya patungong kusina.

"Ito yung sponge na ginagamit para matanggal 'yung dumi sa plato at syempre ito yung liquid soap. Lagyan mo nito pero para tipid, dito ka maglagay ng sabon sa may maliit na planggana. Iwasan mo lang makabasag para 'di ka masugatan tapos--" natigil ang pagpapaliwag ko sa kanya nang biglang may nag-ring.

The Legendary Gangster: Death Eye PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon