EY's POV.
"HAAAAHHH~" ako at nag-unat ng kamay.
Ang sarap ng tulog ko dahil maaga akong nakatulog kagabi pero ang problema ko naman ngayon ay ang kakainin ko.
Siguro dadaan na lang ako ng restaurant mamaya para kumain bago pumasok.
Ang ganda nga ng gising ko pero tamad na tamad ako kumilos. Hays.
Ba't ba kasi 'di ako marunong magluto? Tss.
Naligo na ako at nag-ayos ng gamit. Dinala ko na rin yung mga papeles na pinirmahan ko kagabi para naman hindi na ako pabalik-balik dito sa condo mamaya. Ang bigat tuloy lalo ng bag ko. Hays, ipapabuhat ko na lang ito mamaya kay Kuya.
Bumaba na ako ng condo ko. Buti may maliit na store dito kahit papaano kaya bumili ako ng biscuits na favorite namin ni Daddy.
"AIRAM PARK!" sigaw ng lalaki.
Kailangan ipasigawan ang maganda kong pangalan? Tss.
Sino na naman ba kasi 'yun?
Ang aga-aga sigaw nang sigaw.
"Wait? What are doing here?" takang tanong ko nang makalapit siya sa akin.
"Susunduin ka para sabay na tayo papunta sa school pero bago yan, kain muna. Nagutom ako kakaantay sayo. 'Dun na lang tayo sa may malapit sa school," aya niya.
"Sino ba naman kasi nag sabi sayo na mag-antay ka ng matagal dyan? Aba, anong silbi ng pag tanong mo ng unit ko kagabi, 'di mo rin pala pupuntahan." iritang sabi ko.
Aba, kasalanan ko bang bobo siya at dyan siya nag-antay?
Sapakin ko kaya sya?
"Nawala sa isip ko. Magdamag kasi akong naglinis kagabi ng kalat sa kusina. May isang babae kasi dyan na ibinuhos lahat ng dishwashing hahaha!" mapang-asar na sabi niya.
Aba, nangungonsensya ba sya dahil sa ginawa ko kagabi? Aba malay ko bang magkakaganun yun.
'Di ko lang sya natulungan, nagdradrama na sya.
"Okay sige, kain muna tayo tapos libre ko na kasi mukhang kinokonsensya mo ako. Tsaka mukha kang patay tapos mukha ka nang adik sa lalim ng eyebags mo. Akin na susi mo, ako na magmamaneho," mahinahong sabi ko.
Pasalamat sya mabait ako ngayon. Haha.
"Marunong ka ba?" sya.
"Mag ooffer ba ako 'kung 'di ako marunong? Matalino ka ba talaga?" tanong ko.
Parang walang tiwala sakin 'tong kupal na ito.
Ibangga ko kaya 'tong sasakyan niya.
"Tara na nga, basta libre mo ako." inaantok na sabi niya.
Mabait naman pala siya pero sadyang may sayad lang sa utak.
Napatingin ako sa kanya at Mukhang antok na antok talaga sya dahil tulog na agad sya.
Nang makarating kami ay agad akong bumaba nang 'di siya ginigising.
"Dyan ka muna, may pupuntahan lang ako." ako nung makarating kami sa resto.
Kakausapin ko muna 'yung manager nila dito para libre na lang kami at para balaan sila.
Bumaba na ako ng sasakyan at dumiretso ako sa office nung manager nila dito. Syempre kahit hindi ako mahilig pumunta dito kabisado ko pa rin ang bawat sulok nito dahil syempre, nasa akin pa rin ang floor plan nito.
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster: Death Eye Princess
Mystery / ThrillerWARNING: This Book Contains some ad Words -No Parts at this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopy recording or by any information storage and retrieval system without written...