CHAPTER 22: Crush

9.4K 211 14
                                    

EY's POV.

"Muntik na akong mamatay sa ginawa mo. Ang bilis mong magmaneho. Buti walang nakakita satin na pulis," takot na sabi niya.

"'Di yan basta ako ang mag drive! Sige kupal, una na ako ah baka kasi.. alam mo na," ako.

"Haha sige, ingat ka dyan." sya.

DYRLLE's POV.

Hays, kahit kailan talaga haha kupal talaga ang tinawag sa'kin.

"Pare! Kupal lang pala tawag sayo nung crush mo haha," pang-aasar sakin ng isa sa mga kaibigan ko.Si Lucas, ang team captain namin.

Siya lang naman kasi ang nakahuli sakin.

"Okay lang pre kahit anong itawag niya sakin. Basta sakin lang siya ganyan at saka basta sakin lang sya ngingiti ng ganun," nakangiting sabi ko habang sinusundan ng mata ko si Airam na papunta sa building namin.

"Tama ka, ngayon ko lang nakitang ngumiti si Airam ng ganun. Siguro dahil sayo 'yun pre," masiglang sabi ni Lucas.

Matagal na siguro silang magkaklase.

"Sana tuloy tuloy ko na siyang mapasaya lalo na't napakaganda talaga niya ngumiti kahit nerd sya." nababaliw na ata ako dahil kay Airam.

Iba na talaga pag umiibig, nagiging OA na.

"Walang agawan pre ah," sabi ko sabay tingin kay Lucas na may seryosong mukha.

Problema nito, ba't sumeryoso to?

"Maswerte ka sa kanya pre kaya wag mo na pakawalan para "di ka maagawan," sabi nito sakin at unti-unting ngumiti.

Tama ka dyan, captain.

Ako na ata yung pinakamaswerteng lalaki kung ako yung pipiliin niya.

Kaya gagawin ko ang lahat para makuha lang siya.

Damn. Mahal ko na talaga sya.

"Don't worry pre, ako ang bahala. Walang ibang makakaagaw sa kanya, kahit sino. Mahal na Mahal ko 'yun," proud kong sabi sa kanya.

"Good to hear that from you. Susuportahan kita dyan. Tara na, magpractice na tayo. Malapit na ang laban natin," makabuluhang sabi ni Lucas.

Oo nga pala, malapit na yung laban namin Sa Kkangpae University.

Ang school kung saan ako galing.

"Taha tara na nga captain naming weird," natatawa kong sabi.

Totoo naman kasing weird siya.

Meron syang kakaibang kulay ng buhok, may pagka-nerd din siya pero kinababaliwan ng ilang kababaihan ang pagka-nerd niya. Ang cool daw kasing tingnan.

Kilala siya bilang 'Cutest Nerd Team Captain' Haha.

Ang dami nilang alam sa buhay nila.

Inakbayan ko siya at sabay kaming pumunta ng basketball gym at para kaming batang nagtatanggalan ng kamay sa balikat niya pero ibinabalik ko lang.

Mabuti na ang wala nang studyante sa hallway.

Hindi nila nakikita yung ginagawa namin.

Nang makarating kami sa court ay biglang sumigaw si captain.

"Line up!" sigaw ni captain.

"Pati ikaw kupal ka," sabi nito sabay binatukan ako kaya naman bigla akong pumila habang nakamot sa batok.

The Legendary Gangster: Death Eye PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon