Chapter 2: Mizu University

23.8K 417 13
                                    

" A strong friendship doesn't need daily conversation or being together as long as the relationship lives in the heart , True Friends never part. "

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

( Collection po ng sasakyan nya nasa VTR )

AJ POV

This is the first time na pumayag si Ey na pumunta ng Cafeteria at kahit alanganin ang muka ko sa pwedeng mangyari mamaya masaya parin ako dahil napapayag ko sya kahit may matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon

Ayaw na ayaw kasi nya ang pumupunta sa mga maiingay na lugar lalo na sa maraming Spoiled brat na pedeng manlait samin matimpiin si Ey pero hinding kasing haba ng pasensya ko at pag tinupak yan hindi ko sya makokontrol dahil isang tao lang ang may kayang magcontrol sa kanya

Yun ay walang iba kundi ang kapatid nya pero paano siya mapapakalma ni El kung ang kakambal nya mismo ang nagbawal lumapit na ito sa kanya

Wala ng atrasan pa ang pagpunta namin sa Cafeteria nag simula na akong humingang malalim

Ayan tutal naglalakad kami papunta sa Cafeteria magkwekwento muna ako habang nakakaramdam akong kaba

Bata pa lang kami nung una ko siyang makilala
She's a transferee student galing ibang bansa
She is super bubbly and friendly
Maingay din sya yung tipong Mas maingay pa sya kaysa sa akin at kahit lahat kami nagrereview para sa exam sya laging nasa playground akala mo walang inaalalang grades

Napaka masayahin sya at mabait laging siyang tumutulong sa iba

Nabully sya noon dahil nabanga nya Ang anak ng Mayor pinagbabato siya ng mga kaibigan nya nun pero hinayaan nya lang yun at nakuha pa nyang ngumiti kaya mas lalo silang nainis sa kanya pinagsasampal sampal sya nito pero di parin maalis ang ngiti nya naiinis ako sa kanya dahil imbis na magalit sya nakuha nya pang ngitian ang mga yun gusto ko syang tulungan pero kahit ako walang magagawa dahil hindi ko sila kakayanin

Sino naman ako para labanan ang anak ng Mayor ng lugar na tinitirahan namin

Nang umalis sila agad ko syang pinuntahan at tinulungan noon ngumiti sya saakin noon at nagpasalamat pero kalaunan umiyak sya ngunit pansamantala lang sabi pa nya inilabas lang daw nya ang sakit na nararamdaman niya hindi siya marunong magtanim ng galit sa lahat nang nang aapi sa kanya ang tingin niya dito lahat at kaibigan doon ako nagsimulang humanga sa kanya inisip ko rin noon na sana magawa ko din lahat ang mga nagagawa niya pero mahirap pala hindi ko akalain na may tao pa palang tinitiis lahat ng masakit sa kanya

Pero nagbago lahat ng iyon matapos ang grading period namin at nag aanounce kung sino ang nanguna sa klase namin at sa lahat ng Student sa buong Campus

FLASHBACK

" Guess who kung sino ang Top 1 natin ngayon at nanguna sa Buong campus" Masiglang sabi teacher namin
Maraming sumisigaw sa pangalan ko syempre simula noon pa ako na lagi ang nangunguna sa lahat tatayo na sana ako pero nagulat ako ng sabihin na ni Ma'am kung sino Ang nanguna
" Its Airam Park Congratulations " Masayang sabi ni Ma'am
Paano nangyari yun samantalang wala naman syang ginawa para makakuha ng mataas na Grades Lagi lang siyang naglalaro at nakikipag halubilo sa kung sino man sa mga klassmate namin

The Legendary Gangster: Death Eye PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon