[ DYRLLE's POV. ]
Nandito na kami sa bahay ngayon, actually nasa kwarto ko na sya.
Tinawag ko naman si Manang para mapalitan siya ng damit at para na rin mapunasan siya dahil sobrang init na niya.
Bakit ba ang nerd kahit may sakit pumapasok? Ganyan ba sila kasipag? Tss takte na 'yan kulang na lang mamatay sila.
Pasalamat ka nandoon ako. Paano na lang pala kung 'di kita sinundan? Hays.
Bakit ba kasi ang pasaway mo?
Patuloy kong tinitingnan ang mukha niya habang mahimbing siyang natutulog.
Pasalamat ka gusto na kita.
Ba't pa siya pumasok kung may sakit naman pala siya?
Naman oh!
WHAT SHOULD I DO? Takte na, ano ba gagawin ko sa taong may sakit?
"Wait!" sigaw ko nang tila may bumbilyang kumislap sa ulo ko.
Bumaba na ako para kumuha ng maligamgam na tubig at nilagyan ko rin ito ng alcohol. Hindi ko alam kung tama ba talaga itong ginagawa ko pero ito 'yung naririnig ko noon kay Mommy sa tuwing may sakit ako.
Nang makuha ko lahat ng kailangan ay bumalik na ulit ako sa taas at naghanap ng bimpo sa aking drawer. Matapos kong makuha ang bimpo ay agad ko itong binasa gamit 'yung maligamgam na tubig na may alcohol, saka ko pinunas sa kanya.
Siguro naman giginhawa ang pakiramdam niya matapos kong gawin ito.
Punas!
Punas!
Punas!
Punas!
Punas dito!
Punas doon!
Pinunasan ko 'yung braso niya at may nakita akong parang henna o tattoo? Pero feel ko henna lang siya. May henna sya sa braso niya na parang nakita ko na noon.
'Di ko lang matandaan kung saan ko nakita pero ang alam ko nakita ko na talaga ang tattoong ito.
Hays, kesa sumakit ang ulo ko kakaisip kung saan ko ba nakita ang tattoong iyan, magluluto na lang ako. Buti na lang pala sanay akong magluto. Wala rin naman kasi akong mauutusan kapag wala si Manang kaya sinanay ko ang sarili ko noon pa naman.
Magluluto na lang ako ng lugaw para sa kanya at sopas para naman may pagpipilian siya.
There's a sing that's inside of my soul
It's the one that I've tried to write over and over again
I'm awake in the infinite cold
But you sing to me over and over and over again~
My phone suddenly rang.
May tumatawag.
Agad kong hinanap ang cellphone ko pero nang makita kong wala namang tumatawa sa'kin. Hindi pa rin natigil ang pagkanta ng ringtone.
Sinundan ko kung saan nanggagaling 'yung tunog at napagtanto ko na sa bag ni Airam galing yung tunog. Binuksan ko 'yung bag niya at kinuha yung phone nya.
"WOW!" ako.
Parehas kasi kami ng phone. Parehas pa nung kulay, para kaming may couple phone hahahaxD.
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster: Death Eye Princess
Mystery / ThrillerWARNING: This Book Contains some ad Words -No Parts at this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopy recording or by any information storage and retrieval system without written...