[ DYRLLE's POV. ]
"That is so imposible," Airam.
"You don't believe me?" ako.
"Obvious ba?" sya.
"Lapit ka, papakita ko sayo." ako.
Lumapit naman siya sakin at bigla ko syang niyakap.
Hinawakan ko naman 'yung isang kamay nya.
Kita ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko pero pinagpatuloy ko pa rin ang pag yakap ko sa kanya ng mahigit.
Ang cute talaga nya lalo na pag nagugulat.
"....." 'di sya makapagsalita sa ginawa ko.
"Sabi ko naman sayo 'e, nandito. Ako ang magiging jacket mo kung sakaling lamigin ka at ako ang magiging sandalan mo 'kung sakaling 'di mo na kaya." makahulugang sabi ko.
Hinaplos ko ang mukha niya na mas lalong ikinapula ng mukha niya.
Sinusubukan niyang makawala sa pagkakayakap ko pero hinila ko sya pabalik sakin para mas lalo ko syang mayakap ng mahigpit. Tutal naman nakapark na kami at medyo napagod ako sa laban. Nakaramdam ako ng antok.
Maya-maya lang, naramdaman kong niyakap niya na rin ako. Sumandal siya sa dibdib ko at bumigat ang pakiramdam ko. Marahil nakatulog na sya sa sobrang pagod din niya.
Mukhang pagod na pagod siya sa nangyaring gulo kanina. 'Di siguro sya sanay sa mga ganoong klaseng gulo.
Pasensya ka na sa nakita at naranasan mong gulo kanina. Hindi mo dapat nararanasan ang mga ganoon.
Sana kaya mo akong mahalin kahit na napakagulo ng mundong ginagalawan ko. Pero kung ayaw mo sa ganitong mundo, handa akong umalis sa mundong ito.
Hinimas ko 'yung buhok niya at inayos ito.
Don't worry, I won't let those happen again.
Hindi ko na hahayaang may makasakit sayo.
Sabi mo diba wala na 'yung angel mo? I am here to replace him.
Payag na akong maging angel at protector mo.
Poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko pero pinapangako ko sayo na hindi ako mamamatay at hinding hindi kita iiwan katulad ng pag-iwan sayo ng Papa mo.
Gagawin ko ang tungkulin niya. Handa akong maging tatay mo kung sakali.
Kahit na hindi mo ako gusto.
Nandito lang ako, hayaan mo lang akong mahalin kita at mahalin mo lang kung sino man ang magugustuhan mo, kahit masakit. Kahit ano gagawin ko basta mapasaya lang kita. Susuportahan na lang kita kung saan ka masaya pero habang hindi pa nangyayari 'yung mga bagay na 'yun, ngayon pa lang ako muna ang mag aalaga sayo.
Nung una, sinabi ko na kawawa ang magiging asawa mo, na magiging under siya pero lahat ng sinabi ko parang kinain ko lang haha.
Kung sakaling ako 'yung mapapangasawa mo handa 'kong gawin ang lahat nang 'yun. Kaya kong maging under basta ikaw ang makakasama ko habang buhay.
Sinabi ko rin sa sarili ko na 'di kita magugustuhan pero ito ako ngayon, baliw na baliw sayo. Nakakatawa diba? Ako 'yung umayaw pero parang ayaw ko nang bumitaw.
Ikaw nga 'yung kauna-unahang babae na sumakay sa kotse ko. Maging mga kaibigan ko 'di ko pinapayagan. Wala dahil ayokong hayaan nilang madumihan at magasgasan itong kotse ko haha.
Mahirap makakita ng sasakyang maganda pero mas mahirap makakita ng taong gaya mo. Mahalaga 'tong sasakyan ko pero mas mahalaga ka kaysa dito. Mahal kita, mahal na mahal. 'D kita hahayaang masaktan.
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster: Death Eye Princess
Mystery / ThrillerWARNING: This Book Contains some ad Words -No Parts at this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopy recording or by any information storage and retrieval system without written...