Den Erikton Salvamon.
Napakagandang pangalan 'diba? Pang mayaman. Kaso hindi eh.
Hindi ako mayaman, basagulero, wala namang bisyo at hindi ako babaero, but i love f*cking girls. Hehe. Joke! Virgin pako! Mahilig lang ako lumandi pag bored ako.
'Yan lang naman ako,
Nakakasawang mag aral!
"Ikaw! Bakit ba kasi ayaw mong pumasok ha?! Alam mo ba kung gaano kahirap ang mag trabaho?"
Napakamot nalang ako sa tainga ko ng mag dadadakdak na naman ang nanay ko. Mag lalabasan ata ang mga tutuli ko sa bilis mag rap nito eh.
"Papasok na po ako bukas," walang ganang sagot ko
"Aba dapat lang! Ano ka dito prinsipe?" sigaw niya mismo sa harap ko
"Kahit anong gawin mo dyan nay, wala nang asenso yang si kuya." kunsinti naman ng kapatid kong babae kay mama
"Parang ikaw hindi ah? Nag aaral ka nga wala ka namang talino.." sabat ko
"Nyee!" tukso niya sakin
"Pumasok ka ngayon sa school! Dapat hindi kana tinuli eh!" nanlaki naman ang mata ko "Nag babago ang ugali kapag tinutuli!"
Narinig ko namang bumungisngis yung kapatid ko.
"Pasok na!"
At ngayon ay nandito nako sa school, Ewan ko bakit napipilitan akong pumasok. Sa totoo lang ay matalino ako, lagi akong highest nung elementary ako.
Nakakatamad lang talaga ngayon!
"'Tol!" nakita ko naman si Orken palapit sakin habang nakapamulsa
"Niratrat ako ng nanay ko."
"Nanaman?" natawa kapa! "Walangya talaga ang mga nanay ngayon, daig pa mga rapper. Magugulat ka nalang may kinompose na silang kanta."
"Gag*." bored na sabi ko "'Asan si Kiol?"
"Andun sa sulok, nangungulangot." natawa naman siya
Unique ang mga pangalan namin, mag bebestfriend kasi ang mga nanay namin.
Etong kausap ko ngayon ay si Orken Villagon. Ang isa naman ay si Kiol Jan Cipaz. Sabi kasi ng mga nanay namin ay mas maganda daw na wala gaanong katulad ang mga pangalan namin.
Si Kiol ang talagang babaero samin, kung nag hahanap kayo ng matino? Walang matino samin. Matino-tino meron pa, at ako yun!
"Hoy kiol!" binatukan ko siya ng makita ko siyang may kalandiang babae.
"Ikaw pala yan dude! By the way merong party mamaya!" Galak na galak na sabi niya
"Ah oo 'tol, birthday kasi nung pinsan nitong si kiol. Eh, bigatin daw yung party kaya sinama tayo hahaha!" nagtawanan pa silang dalawa "May mga chicks don 'tol, mga royal ang katawan."
"7pm 'tol ha!" paalala samin ni kiol at umalis na siya kasama yung babae
Nang mag bell na ang kampana at hudyat na ng kasal, joke! Nag bell na ang school bell namin dahilan para maging hudyat yun na simula na ang klase.
"Oh himala ata at pumasok ka?" Bungad sakin ni Jero
"Natatae kaba pag di ako pumasok?" sabi ko at nilagay ang bag sa upuan ko
"Hindi, natatae ako sa pag mumuka mo." at nag tawanan sila ng mga tropa niya
Sige tawa pa gag*!
"Huwag kang tumingin sa salamin, baka matae ka rin." tinapik ko pa ang balikat niya bago umupo sa upuan ko
Napasipol ako ng sipain niya papunta sa gilid yung desk ko.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceIn just one night, they have it.. the : Unexpected surprises... Unexpected things... Unexpected happens... and... Unexpected baby? - Written by : ms_alleng