#11

628 15 0
                                    

Charmaine's POV

Singhot pa rin ako ng singhot at hindi na tumigil sa pagtulo ng luha ko mula kanina.

Nandito kasi kami sa taxi at papunta kami sa jeepney station, hindi daw kami maihahatid sa sinabing address ni erikton dahil hanggang mall lang ang biyahe ni kuya.

Nang makababa na kami sa taxi ay nagreklamo na ang tiyan ko at parang gusto ko ng matamis.

"Pst.." tawag ko kay erikton at matamlay niya akong tinignan

Ang tangkad talaga eh! Hindi naman sobra. Hanggang balikat niya lang kasi ako, or baba ng balikat niya, hanggang kili-kili hahaha.

Nagpahid ako ng luha at tinignan siya "Nagugutom ako." ngumuso pako at nagkunwaring nag papaawa.

May kinuha siya sa bulsa niya at nagulat ako ng punasan niya ang pisnge ko na may naiwan pang basa.

"Anong gusto mo?" tanong niya

"Chocolate." ngumiti pako na labas ang ngipin.

Pumasok naman kami sa pinaka malapit na mall at tumingin doon ng chocolate, nang wala kaming mahanap ay pumunta kami sa grocery store dito sa mall.

"Eto oh." sabi niya at binigay sakin yung dalawang bar na malalaki.

"Woah!" nag lalaway kong sabi

Napatingin siya sa likod ko at binalingan ako ng tingin "Maupo ka nalang muna dun at ako nalang ang mag babayad, mahaba yung pila." usal niya.

Pumunta naman ako dun sa may upuan at umupo, halos katapat ko lang yung counter na pinipilahan niya. Yung nasa unahan niya ay may edad na nalalaki, sa hulihan naman ni erikton ay mga babae na magbabarkada ata at may kasamang isang lalaki.

Bakit kailangang sampu sampu pa ang pipila eh isa lang naman ang magbabayad? Ano chikahan lang?

Napansin ko ding nagbubulungan sila at tatawa habang tinitignan si erikton. Napansin ko ding nag tutulakan sila at natutumba banda kay erikton.

Tatlong beses ng nadikit ang babaeng tinutulak nila kay erikton at muka naman itong nag sosorry sabay palo sa mga kaibigan.

Pinagkrus ko ang mga braso ko at binigyan sila ng matalim na tingin. Nakita kong nagkasalubong na ang kilay ni erikton at mukang naiinis na.

Hindi talaga mahaba ang pasensiya niya.

Nag tulakan ulit sila at natulak yung babae sa likod ni erikton kaya tumayo nako at lumakad papalapit kay erikton.

"Matagal pa? Nagugutom na yung anak natin!" medyo nilakasan ko ang boses ko dahilan para marinig ng mga nasa likod ni erikton

"Tatlo nalang." sabi ni erikton

Napansin ko naman ang mga matatalas na tingin ng mga babae sa likod.

Tsk, pinapainit nila ang bunbunan ko!

"Lumipat ka kaya ng pila? O kaya paunahin mo yung mga nasa likod." bulong ko kay erikton

"Bakit?" takang tanong niya at umabante

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon